“HI!”

Muntik nang maibuga ni Hunter ang iniinom na whiskey nang marinig ang babaeng nagsalita mula sa kanyang likuran. Kahit nakatalikod siya ay kilalang-kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Pumihit siya paharap dito.

“Brynn! What are you doing here? It’s almost late,” bulalas niya and then he eyeballed his watch. “Does Leighron knows you’re here?”

He saw that she had rolled her eyes and twisted one corner of her lips. Wala itong lipstick or anumang makeup but she still looks so pretty. Bumagay rito ang cowboy attire. Palagi itong naka-boyish outfit and most of the time, naka-loose shirt or naka-baggy pants. Minsan lang yata niya ito nakitang naka-shorts nang maiksi, back when she was still in junior high school—when she was playing volleyball. Pero kahit balot na balot ang katawan nito, she still looks very sexy, lalo na kapag nakasuot ng mga active wear pants.

“No, he doesn’t know but c’mon, Hunter, I’m already an adult. Hindi ko kailangang humingi lagi ng permiso kay kuya kung saan ko gustong pumunta.”

“Kunsabagay,” sabi ni Hunter, sabay dala ng baso sa bibig at tinungga muli ang alak.

 

NAPALUNOK si Brynn nang makita kung paano gumalaw ang Adam’s apple ni Hunter sa pag-inom ng alak. Para tuloy natatakam siya. She was a social drinker pero matagal na rin mula nang huli siyang uminom. 

“Masarap ba `yang iniinom mo?” curious na tanong niya sa lalaki.

“Yup. `Want a drink?”

Sunud-sunod ang pagtango niya na parang batang inalok ng candy.

“Okay, let me order you something.”

“Okay, thanks. Bakit nga pala mag-isa ka lang dito? Nasa’n sina Nathan?”

“They already left fifteen minutes ago.”

Huh! Sayang. Sana pala, kanina pa ako pumunta rito, naabutan ko pa sana si Nathan ko. Haist. “Bakit nagpaiwan ka dito?”

“Nothing. I just wanna drink some more.”

Ows? Ang sabihin mo, nag-aabang ka lang ng mabibingwit na chicks. “Gano’n? Baka hinahanap ka na ng girlfriend mo.”

Kanina pa hindi mapakali si Brynn at parang nag-iinit ang mukha. Paano ba naman, nasusulyapan niya ang mga babaeng kanina pa matatalim ang tingin sa kanya.

“Brynn, I have no girlfriend, alright. So what brought you here?”

No girlfriend? Sinong niloko mo? Two weeks ago, may nakita akong babaeng kasama mo, gusto sana niyang i-voice out pero hindi na lang, baka mabulilyaso pa ang hihingin niyang favor sa lalaki. Todo effort pa naman siyang makita ito. Minsan, mahirap itong hagilapin. Hindi naman niya alam kung saan ito nakatira. Ang alam lang niya ay may condo unit ito sa Greenbelt Residence na naulit sa kanya dati ng kanyang kuya Leighron. Kaya nga nakarating siya rito sa Royals Lounge Club, isang sosyal na bar na lagi nitong tinatambayan para sadyain ito.

“Gusto sana kitang makausap.”

“O-okay?” Nag-stutter pa ito. “W-what is it, Brynn?”

Bakit ba sa tuwing nakikita siya ni Hunter ay parang natataranta ito na ewan? “Ahm… ano kasi… A-ano…” Pati tuloy siya, nag-i-stutter na rin. Hindi siya aware na kinakagat-kagat na pala niya ang kanyang hinlalaki. Paano nga ba niya sisimulan ang proposal?

Tumikhim si Hunter. “Hey, that’s enough. I don’t want you to lose your thumb,” ngingisi-ngising tukso nito sa kanya and gave her a sexy smile.

May nahihimigan si Brynn na animo’y mga babaeng parang kinikiliti mula sa likuran niya sa di-kalayuan. Siguro dahil nakita ng mga luka-luka ang killer smile ni Hunter na waepek naman sa kanya. Waepek nga ba?

“Tell me, what is it all about Brynn?”

“Ahm… s-sige never mind na lang. Alis na `ko.”

Bigla ay para siyang nahiya. Kinakabahan din siyang sabihin sa lalaki ang pakay. Paano na lang kung tumanggi ito? Ano na ang magiging next step niya?

 

“Hey.” Hunter grabbed her wrist nang magtangka siyang umalis. “Brynn, tell me what do you wanna talk about. I know it’s something important.”

Sa tagal na niyang kilala si Brynn, never siya nitong pinapansin kung hindi lamang may kailangan itong sabihin na importante. “You can trust me,” pangungumbinsi pa niya dito.

Kahit paano ay may kaunti namang tiwala si Brynn sa ugok na ito. Pero paano nga ba niya sisimulang sabihin dito ang kanyang pakay?

 

“Here.” Iniabot ni Hunter sa kanya ang maliit na shot glass. Inisang-lagok lang niya ang laman niyon. Pampalakas-loob.

“A-ano kasi… Ahm… C-can you do me a favor?”

“Favor? Yes, of course, Brynn. Anything for my sweety. You know I will do everything for you.”

“Talaga?” Pakiramdam ni Brynn ay biglang nagliwanag ang buong paligid. Muntik na siyang kiligin sa sinabi nito.

Everything? Ang galing talagang mambola ng lalaking ito. Kung hindi niya kilala si Hunter at kung kagaya siya ng ibang babae na madali nitong nauuto ay maniniwala siya sa mga pasaring nito. Noon pa man ay hilig na siya nitong i-goodtime.

“Yes, anything for you,” sagot nito. Lasing na ba ang lalaki o talagang mapungay lang ang mga mata? “So what’s the favor you need from me, sweetheart?”

Kung hindi sweety ay madalas din siya nitong tawaging sweetheart. Siguro ay gasgas na ang salitang iyon. At baka lahat ng babae nito ay iyon ang tawag nito.

“A-ano kasi… C-can you… Ahm… C-can we…” Nagkakandautal siya.

“C’mon, Brynn. Bring it on. What is it?” pangungulit ni Hunter at tumungga muli ng whiskey.

 

“Okay… Can you take my virginity?”

Kung kanina ay muntik nang maibuga ni Hunter ang whiskey, ngayon naman ay muntik na siyang masamid. Mabuti nalang at nalagok na niya kaagad ang alak.

“What? Are you really serious, Brynn?” Tinawanan lang siya ni Hunter. Malakas ang tawa nito kaya naman biglang may mga napatingin sa kanila.

“Look, Hunter, stop laughing.” Oh, my God mukhang mapapahiya pa yata siya. Akala nito, nagbibiro lang siya. She needs to convince him. “Ano ka ba? I’m serious. I need to have experience. Twenty na ako and I’m ready for it.”

Napalakas pa yata ang pagkakasabi niya niyon dahil siya naman ang biglang pinagtinginan ng mga tao. Pakiramdam tuloy niya ay kinukombulsyon siya sa hiya. “Ano ba, Hunter? Stop laughing. Pinagtitinginan na tayo.” Pinaghahampas niya ang balikat nitong umaalog sa kakatawa.

“Okay, okay, I will stop.” At tumigil na nga ito and ask,“Why all of a sudden you wanted to give yourself to me? Did you finally found out that you really love me, sweety?”

“What? Hoy, mahiya ka sa balat mo!” pabirong singhal ni Brynn, saka umirap.

“Okay, if not, then what’s your reason?” pangungulit nito while smirking.

“Sinabi ko naman na sa `yo, `di ba? I need experience. Kung ayaw mo, huwag na lang. Diyan ka na nga.” Agad siyang tumayo at mabilis na naglakad palabas ng Royals Lounge Club. Hindi na siya nito nagawang hagipin sa braso dahil madali siyang nakapuslit.

 

Pero ang mokong, sinundan pala siya. “Hey, hey, hey! Brynn, wait.” Sa parking lot siya nito nahabol.

Nainis na kasi siya kaya nilayasan na niya ito. Nahihiya siya sa sarili kung bakit si Hunter pa ang unang pumasok sa isip niya na alukin ng ganoon. Siguro dahil ito lang ang kilala niya na mahilig sa mga babaeng walang karanasan. At sa lahat ng barkada ng kuya niya at ni Nathan, kay Hunter lang siya medyo may tiwala. At isa pa, mabait naman si Hunter sa kanya. Iyon nga lang, hilig siya nitong asarin. Kaya naman palagi siyang napipikon dito. Pero ano na ang magiging next plan niya kung magpapaapekto siya sa pang-aasar nito? Hindi matutupad ang goal niya.

Kailangan niya si Hunter para maisakatuparan ang kanyang plano na mabingwit si Nathan. Alam niyang malaki ang maitutulong nito dahil super close ang dalawa sa isa’t isa. She could learn a lot about Nathan with Hunter’s help. Kaya kung kinakailangang magmakaawa siya kay Hunter ay gagawin niya. She needs to be a sex expert.

“Brynn, are you really serious about what you said?” hindi parin makapaniwalang tanong ni Hunter.

“Oo nga. I need to be a sex expert. Please help me and teach me everything.” Pati siya ay hindi rin makapaniwala sa mga lumabas na salita sa bibig niya; na para lang siyang nakikipag- bargain sa isang produkto.

“Okay, if I agree to take your virginity, then what will I get in return?” he asked while smirking.

“Huh? My virginity, of course. Ano pa nga ba?”

“What? That’s it?”

 

Oo nga pala. Sa dami na nang na-devirginize ni Hunter hindi na siguro ganoon ka-significant sa kanya ang virginity ko, kaya mag-isip ka, Brynnleigh. Ano ang puwedeng kapalit ng gagawin niyang tulong? bulong niya sa isip.

“Well, I can help you with Amalia. Remember we’re semi-close friend. Ilalakad kita sa kanya. So, ano, deal? Tutulungan mo na ba ako?”

Nakita niyang nabigla si Hunter nang banggitin niya ang pangalan ni Amalia. Naku, lagot na!

 

“Hmm… that’s fine with me…”

Hindi naman iyon ang gustong marinig ni Hunter sa dalaga. Pero okay lang atleast magkakaroon ng reason para mag-extend na makasama niya ito palagi.

“So pumapayag ka na?”

“Hmm…Yes. But…” Pilyo ang ngiti nito.

“But what Hunter?” mabilis pa sa alas-kuwatrong tanong ni Brynn.

“Brynn, relax. I want you to tell me the reason behind this.” Bigla ay naging seryoso ang mukha ni Hunter. “Hindi biro ang hinihingi mong favor sa `kin. Did you know there would be a lot of consequences after that? I could lose my friendship with Leighron, and worst, your brother might kill me. But for you, I will do anything. I would even give my life for you.”

Kung seryoso ito o nambobola na naman, hindi niya alam. Hunter is a great talker. Puwede nga itong maging salesman, dahil kahit nga yata sirang kotse, maibebenta nito nang mas mahal pa sa brand-new.

“Ang cornie mo talaga kahit kailan. At sobrang OA mo!” Napabunghalit si Brynn ng tawa. Hindi niya alam na may super dramatic side pala si Hunter. Ano namang consequences ang pinagsasasabi nito? Eh `diba siya pa nga dapat ang kabahan para sa mga pwedeng mangyari pero bakit parang baliktad yata? And also it’s not big of a deal it will just be one time and that’s it. “Don’t worry, hindi ko sasabihin kay Kuya. Baliw!”

“Okay, mabalik tayo sa deal. So tell me…how come you we’re talking about Amalia?”

Ano ba `yan? Akala ko pa naman, nakalimutan na niya. Ang kulit talaga. Paulit-ulit ang tanong.

“Okay, sige na nga. Ang totoo, narinig ko kasi ang usapan n’yo last week…” At ikinuwento niya rito ang lahat ng narinig niya.

“At ano pa ang narinig mo bukod do’n? You sneaky girl,” biro ni Hunter at bahagyang ginulo ang buhok niya while smirking. “Bakit ba kasi nakikinig ka sa usapan ng mga lalaki?”

“Wala lang, napadaan lang talaga ako. `Di ko naman sinasadya. Kaya nga nalaman ko na matagal ka na palang obsessed kay Amalia. But like I said, puwede kitang tulungang mapalapit lalo sa kanya and you will also help me with Nathan.” She was not aware that she was biting her lower lip, and that’s turning him on, without her knowing. “Sige na please i-devirginize mo na ako… Wala naman akong ibang maisip na lalaking puwede akong magpa-gano’n, na—mapagkakatiwalaan ko. We will keep this as a secret, I promise.” Tinaas pa ni Brynn ang kanang kamay bilang sign of promise.

“Are you sure about this? Baka naman pikutin mo ako.” He laughed and smirked.

“What? `Kapal mo talaga! Oo nga, I’m sure. I’ve been saving myself for Nathan, pero ayaw naman pala niya ng babaeng walang experience. Huwag mong sabihing nagbago na ang taste mo at allergic ka na rin sa mga virgin? I know you, Hunter. Ikaw ang numero unong devirginizer since no’ng high school ka and college kaya—”

“All right, all right. I’m giving you time to decide. And when you’re totally ready for this, then we will do it. I don’t want you to regret someday na ibinigay mo ang virginity mo sa `kin. There is no turning back once you let me take it from you.”

“Oo, I’m sure Hunter,” mabilis na sagot ni Brynn.

Nakita niyang biglang nagliwanag ang mukha ni Hunter. Sa kung anumang kadahilanan ay, hindi niya mawari. Maningning at maaliwalas ang ngiti nito. Mabuti na lang at mukhang umaayon ngayon ang pagkakataon sa kanyang plano.

“All right then, just give me a call so I can pick you up at your house. Or just come over to my condo when you’re fully decided.” Naka-call sign pa ang kamay nito before he took the car key out his pocket.

“Okay.” She smiled. Pero may kaba pa rin sa dibdib niya, but on the other hand, bakit parang may excitement siyang nararamdaman to think na kay Hunter niya ibibigay ang kanyang pagkababae? And to think na mapapabilang siya sa virgin collection nito. Well, at least, guwapo naman si Hunter at saka one time lang `yon. After that, puwede nang mapasaakin si Nathan, ngingiti-ngiti si Brynn sa mga naisip.

“What’s that smile for, sweety?”

Nagulat siya na nandoon pa rin pala si Hunter sa harap niya. Akala niya ay sumakay na ito sa pickup nito.

“Hey, are you excited? Oh, wait a minute. Before I forgot, make sure you wear sexy outfit when you come to my condo, para naman maakit ako sa `yo,” tukso nito, saka humagalpak ng tawa.

“Tse! Baliw ka talaga Hunter kahit kailan!” She rolled her eyes. Bigla siyang namula sa isiping iyon. She and Hunter in the same bed having sex. Sa naisip ay biglang nag-init ang kanyang mukha dahilan para siya mag-blush.

“I like it when you blush, toms,” nakangising pang-aasar nito.

“What?” Lalong nag-init ang mukha ni Brynn sa sinabi nito. “Baliw ka talaga! Hindi ako tomboy!” Pinagsusuntok niya ito sa balikat at dibdib. Naiinis siya kapag tinatawag siya nitong “toms” short daw iyon for tomboy. At mula nang makilala niya ang lalaki, hindi matatapos ang isang araw na tuwing magkikita sila na hindi siya nito aasarin o gagalitin.

Panay naman ang ilag ng binata at tuwang-tuwa siyang pinaglalaruan. Pero nagulat na lang siya sa sumunod nitong ginawa. Bigla siyang kinabig nito at isinandal sa pader and in a split second, angkin na nito ang mga labi niya. And my God, it’s not a smack kiss! It was a hot kiss. Madiin itong humalik. Naramdaman na lang niya ang dila nito na naglalaro sa loob ng kanyang bibig dahil napanganga siya sa pagkabigla. Agad siyang nakaramdam ng init. Hindi niya alam kung bakit pero parang biglang may tumutulo sa panty niya at may kung anong tumutundo sa kanyang pagkababae. Nagugustuhan niya kung paano nito inaangkin ang kanyang mga labi. Namalayan na lang niya ang sarili na tumutugon sa bawat halik nito. Hindi niya akalaing ganito pala kasarap humalik ang mokong na ito.

Nakaranas naman na siya makipaghalikan noon sa dalawang naging boyfriends niya kaya hindi na siya inosente sa mga ganitong bagay. Pero bakit tila kakaiba ang epekto ng mga halik ni Hunter sa kanya? Parang biglang nanghina ang mga tuhod niya at ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Ganito rin ba ang feelings ng mga babaeng hinahalikan nito? Kaya siguro maraming babae ang nabobola nito at karamihan ay mga birhen.

Bigla niyang naitulak si Hunter nang magising siya sa katotohanan.

“How do you like that, sweety?” Naka-smirk pa ito pagkatapos ng walang pakundangang paghalik sa kanya. Kung hindi lang ito best friend ng kuya niya at ni Nathan, at kung hindi lang niya kailangan ang tulong nito, baka kanina pa niya ito tinadyakan. “Does my kiss makes you wet?” Naka-smirk pa rin ito while teasing her.

Agad ang pagkapahiya niya sa kanyang sarili.

“Tse! Asa ka pa. Diyan ka na nga! Naiinis ako sa pagmumukha mo!” and she rolled her eyes on him. Akma na siyang tatalikod para umalis nang hawakan siya nito sa braso at pilit pinaharap. “Did you change your mind?” nakakunot-noong tanong nito.

Ngayon lang napansin ni Brynn na ang ganda pala ng mga mata ni Hunter. Mahahaba at mas malalantik pa yata ang pilikmata nito kaysa sa kanya. Guwapo pa rin ito kahit nakakunot ang noo at lalong nagmukhang kaakit-akit ang hitsura dahil mas lalong lumitaw ang pagka-deep-set ng mga mata. At ang ilong nito ay kay tangos. It looks perfect on him. Parang kahawig ito ng model ng briefs na si Adam Nicklas. Kunsabagay, talaga namang guwapo si Hunter dahil ang pagkakaalam niya ay Fil-Am ang mommy nito at ang daddy naman nito ay half American-half Turkish. Kaya naman siguro ganito ang naging bunga–isang pinagpalang Adonis.

And his jaw was so perfect, bumagay sa lubog nitong cleft chin. And, oh, my God ang lapastangan nitong mga labi, they looked really hot and sexy. Hindi niya maiwasang makaramdam ng init kapag naaalala kung paano siya nito hinalikan kanina lang.

“Hey, are you still there?” Ikinaway-kaway ni Hunter ang kamay sa harap ng mukha niya kaya naman nabigla siya.

Natulala pala siya.

“I know I’m handsome, sweety, and thank you,” ngingisi-ngising biro nito. “I feel I’m going to melt, kasi kung makatitig ka sa `kin, wagas.”

“Arghhhh!” She stomped. “`Kapal talaga ng mukha mo!” Then she put her hand on his face at pabiro niya itong itinulak sa mukha.

Sa lahat ng kabarkada ni Nathan at ng kuya niya, si Hunter na yata ang pinaka-ubod. Ubod ng yabang, ubod ng babaero, at higit sa lahat, ubod ng tiwala sa sarili. Overconfident for sure.

Akala mo, lahat ng babae ay magkakagusto at magkakandarapa sa `yo. Well, not me!

Hay, mukhang nakakapagsisi pa yata na si Hunter ang naisipin niyang kausapin ng tungkol doon. Parang gusto na niyang umatras. Marahas ito kung humalik. Paano pa kaya sa pakikipagtalik? Baka nga isa itong halimaw na may maamong mukha.

Pero sa kabila ng isiping iyon, bakit parang bigla siyang nag-init at na-curious? Masarap nga bang makipag-sex si Hunter gaya ng sinabi ni Rica? na dati niyang classmate sa accounting subject at medyo ka-close. Madalas nitong ikuwento sa kanya si Hunter kahit ilang months na itong nakipag-break sa lalaki dahil nalaman nito na tatlong babae pala silang pinagsasabay-sabay ng mokong. At kahit may bago nang boyfriend si Rica, hindi pa rin daw nito makalimutan si Hunter. Paano, ito raw ang unang kumuha sa pagkababae nito.

At ang lapastangan mahilig sa “No strings attached.”

 

“Hey…” untag ulit nito sa kanya. “Lumilipad na naman `yang isip mo. Come, let’s go. I’ll take you home.” He grabbed her on the wrist at hinila kung saan naka-park ang sasakyan.

Pero agad niyang binawi ang kanyang kamay. Bigla kasi siyang nakaramdam ng parang kuryente nang hawakan siya ng lalaki. “Hindi na Hunter. Dala ko naman ang motor ko,” tanggi niya, sabay turo sa kung saan naka-park ang kanyang motor.

“Then give me the keys.”

“Ha? P-pero—” Bago pa makaiwas si Brynn ay mabilis pa sa mandurukot na kinuha ni Hunter ang susi ng motor mula sa bulsa ng cowboy jacket niya.

“I won’t let you drive this late night especially with this bike. It’s pretty dangerous,” sermon nito habang inaakay ang sports red motorcycle niya papunta sa likod ng pickup nito.

Hindi na niya nagawang pigilan and lalaki dahil mabilis na nitong naisampa ang motor at ni-lock ang likod ng pickup.

May kotse naman siya, kaya lang mas gusto niyang motor ang gamitin. For her it’s easier and more adventurous.

 

DAIG pa’ng may dumaang anghel sa sobrang katahimikan sa loob ng sasakyan habang binabaybay nina Brynn at Hunter ang daan pauwi sa kanilang bahay.

Tumikhim si Hunter at ito narin ang bumasag sa katahimikan. “So, kailan natin gagawin `yong napag-usapan natin kanina?” kapagkuwan ay tanong nito.

She got startled a little bit because of his very deep voice. Tahimik kasi then sudddenly bigla na lang may baritonong boses na umalingawngaw sa loob ng sasakyan. She suddenly felt nervous and… excited?

Nae-excite ka dahil sa gagawin n’yo?  Panunukso ng makulit na tinig sa isip niya.

Hindi, `no? Bakit ako mae-excite, eh, hindi naman si Hunter si Nathan, depensa niya sa nanunuksong elemento sa isip niya.

Kailan nga ba nila isasagawa ang plano?

“Bukas,” agad niyang sagot. Pero tama ba ang naging pasya niya? Hindi na niya nagawang mag-isip. Bahala na si Batman.

“Really?” Sumulyap sa kanya si Hunter, pagkatapos ay kinuha ang kanyang kamay at bahagyang pinisil.

She could see him smiling kahit nakatagilid ito sa kanya. Ang kaliwang kamay nito ay nakahawak sa steering wheel habang ang kanang kamay naman ay busy sa paghimas-himas sa kaliwa niyang kamay.

Hindi niya namalayan na nasa tapat na pala sila ng gate ng bahay nila. Nagmamadaling bumaba si Hunter para buksan ang pinto sa side niya. Subalit naunahan niya ito. Bumaba na siya agad.  

“Brynn, you should let me do it,” angal nito.

“At kailan ka pa naging gentleman?” tukso niya, sabay irap.

Wala yata siyang natatandaan na may gentleness ito sa katawan. Ayon sa mga naririnig niyang usap-usapan noon ng mga babae sa school nila, Hunter is wild as a beast. He is tough and rough.Wala itong gentleness. He had never been serious. Pero ewan ba niya kung bakit ang dami pa ring nagkakagusto rito. And girls were throwing themselves to him kahit alam naman nilang Hunter will just break their heart… and their hymen.

Nakaikot na pala si Hunter sa likod at naibaba na ang kanyang motor. Bakit ba lately lagi na lang siyang natutulala?

         Nagulat na lang siya nang biglang kabigin ni Hunter ang likod ng ulo niya at sa isang iglap, sakop na nito ang kanyang mga labi. It was a short kiss. Hindi kasinghaba ng ipinaranas nitong halik sa kanya kanina sa may parking lot ng Royals Lounge. But the intensity was the same. Madiin at malalim itong humalik. Nag-init ang buo niyang katawan at parang tinatambol ang kanyang dibdib. To her surprise, she wanted more than just a kiss. Para siyang na-hypnotized.

“Hello, Brynn. Tulala ka na naman.” Tatawa-tawa si Hunter while waving his right hand in front of her face.

“Huh? Hindi, `no? Sige na, umalis ka na. Thanks,” taboy niya rito. Mabuti na lang at medyo madilim na, kung hindi, baka nakita na naman nitong nagba-blush siya.

“Okay, you should get inside. Or you want me to carry you in your room?” he said while smirking.

“Baliw! Sige na, umalis ka na, Hunter…baka magising pa si Kuya.”

“Okay. Good night, sweety. I’ll see you tomorrow…”

***

Halos magdiwang ang alaga ni Hunter at the thought na maaangkin na niya ang matagal nang hinahangad-hangad na hiyas.

Sana lang, tumupad si Brynn sa usapan nila at hindi magba-back out.

Written by

Aryana Almonte

Follow me on wattpad: maryshlove