MADALING-ARAW na ay hindi pa rin dalawin ng antok si Hunter. Hindi na niya mahintay na mag-umaga. Halos buong gabing nagre-replay sa kanyang isip ang ginawang paghalik kay Brynn. It was the very first time he finally got the chance to taste her sweet lips. Matagal na niyang pinapangarap na mahalikan ang mga labi nito at hindi niya akalaing magkakaroon pala iyon ng katuparan. At ang kanyang ikinamangha, tinugon ng dalaga ang mga halik niya. Does it mean something? Ano kaya ang feelings ni Brynn on the kisses they had shared?

Just thinking about her sensual lips makes him really go wild. Nae-excite na siya sa mga puwedeng mangyari.

He took a shower early at maagang pumunta at nag-park sa di-kalayuan sa bahay nina Brynn. Gusto niya na kapag tumawag sa kanya ang dalaga ay nandoon na agad siya.

Halos tumalon ang puso niya nang mag-ring ang kanyang iPhone. It was Brynn calling him. Sana lang ay hindi nagbago ang isip nito.

“Hello, Hunter. Ano’ng oras mo ako susunduin?” tanong ng babae mula sa kabilang linya.

Agad siyang nakahinga nang maluwag. Thank goodness she didn’t change her mind. Her sexy innocent voice is like music to his ear na madalas magpatalon sa puso niya. “I’m already here, waiting for you.”

 “Ha? Ang bilis mo yata.” Halatang nagulat ito sa kanyang sinabi. “Magbibihis pa ako. Nakaalis na si Kuya, baka gabihin daw ng uwi mamaya.”

“Well, that’s good. Can I go in there?” may pagkapilyong tanong niya.

“Huwag na patapos na akong magbihis. Hintayin mo na lang ako diyan. Sige, bye.”

“Okay, sweet—”

Hindi na natapos ni Hunter ang sasabihin dahil nawala na ang dalaga sa linya. He heard that she quickly hung up the phone. Kahit kailan talaga, never na naging sweet sa kanya si Brynn, gaya ng sweetness nito kay Nathan. But that’s fine with him, as long as pinapansin siya nito sa kahit anumang paraan, iyon ang mahalaga sa kanya. And one more thing, she is very fun to be around with kahit most of the time ay suplada ito sa kanya. Gustung-gusto niya itong laging kinukulit hanggang sa mainis o mapikon sa kanya `cause she still looks so cute, kahit na kung minsan ay halos bugahan na siya nito ng apoy sa galit. Which he really found so funny about her.

HINDI magkandaugaga si Brynn kung ano ang susuotin. She changed clothes like five times already. She doesn’t feel comfortable wearing sexy clothes or dress. Na-pressure tuloy siya sa sinabi ni Hunter kagabi na magsuot dapat siya ng sexy dress. Hindi niya alam kung babagay sa kanya ang ganoong damit. Paano na lang kung hindi niya ito maakit, and worst, pagtawanan pa siya ni Hunter?

Wala pa naman siyang mga dress dahil wala talaga siyang hilig sa mga ganoong damit. Mabuti na lamang, mayroon siyang nahanap sa kanyang old dresser na puwedeng maisuot. Isang dark maroon long-sleeve casual swing-dress na above the knee. Tinernuhan niya iyon ng long boots. Medyo naiilang siya dahil hindi sanay na magsuot ng mga ganoong damit especially six inches above the knees ang iksi. Siguro naman, sexy na rin iyong maituturing. Bahala na kung ano ang kalalabasan. Hindi naman niya kailangang magpa-impress kay Hunter. Saka na lang siya magpapa-sexy nang bonggang-bongga if Nathan will be the one to take her out, like in a date.

Sana soon. Wish ko lang.

Pagkalabas ni Brynn ay sinalubong agad siya ni Hunter. Halatang bagong ligo ang binata dahil basa pa ang buhok nitong kulay ginto kapag nasisinagan ng araw. Fresh na fresh at humahalimuyak sa bango ang Armani cologne na gamit nito. Mukhang ang sarap-sarap makulong sa mabangong bisig nito.

What? I must be crazy, saway niya sa makulit na tinig sa utak niya.

“Uy, Hunter, ano? Maganda ba? Okay na ba ang suot ko? You like it?” sunud-sunod niyang tanong and gave him a cute smile. Hindi talaga siya confident na magsuot ng dress.

Si Hunter naman ay hindi makapagsalita nang makita siya. Daig pa nito ang umurong ang dila sa likod ng ngala-ngala.

“Hoy! Ano, pangit ba? Magpapalit ako,” untag niya sa lalaking speechless. She saw him swallow many times dahil naggalawan ang Adam’s apple nito.

“No. I mean, wow! God, you’re beautiful.” Amazement was written all over his face.

Bakit parang gusto niyang kiligin sa papuri nito? Hindi nga? Beautiful daw siya? At napa-wow pa ang mokong. Baka naman nambobola lang?

“Come.” Inilahad pa nito ang kamay na para bang isa siyang prinsesa at ito naman ang kanyang prinsipe sa isang fairy tale.

Nang magdikit ang kanilang mga kamay ay daig pa niya ang nakuryente. Mainit ang palad nito. Pakiramdam niya ay nagsitayuan ang kanyang mga balahibo sa buong katawan.

Malakas ang kabog ng dibdib ni Brynn while they were on their way to Hunter’s condo. Kinakabahan siya but she felt excited at the same time.

Am I ready for this? bigla ay tanong niya sa sarili.

Yes, I am. Para sa `yo, Nathan ko, magiging dalubhasa ako.

Written by

Aryana Almonte

Follow me on wattpad: maryshlove