“WHAT?! Dude, ayoko ng may sabit. Kaya nga hindi na ako pumapatol sa babaeng birhen. Besides, you know I never get satisfied with a virgin. It’s a lot of work and I don’t like any emotional attachment. I want a wild and well-experienced woman who enjoys sex and already knows what she’s doing.”

Pagkarinig sa usapan ng magbabarkda ay agad nanlumo si Brynn. Paano na iyan, birhen pa siya at allergic si Nathan sa kagaya niyang mga babae. Gustung-gusto pa naman niya si Nathan. Sobrang crush na niya ito mula pa noong bago siya mag-teenager, iyong bago pa lang mamulat ang isip niya sa kung ano ang ibig sabihin ng salitang “crush.” Paano ba naman, ubod ito ng guwapo at macho. Sobra ding bait sa kanya. Kaya naman noong una pa ay pinangarap na niya itong maging kabiyak balang-araw.

Subalit ngayong nasa senior college na siya ay hindi pa rin niya nakukuha ang pansin nito. Oo pinapansin siya, pero hindi sa paraang gusto niya.

“O, siya, si Aries na lang daw ang makikipag-date kay Monica, tutal, medyo matagal na ring tigang ang alaga niyan. Si Nathan naman, ayaw ng virgin. Si Hunter naman ay, fully booked palagi,” sabi ni Xander, saka bumungisngis.

“What? Are you, guys crazy! or what?” Aries exclaimed, nanlaki pa ang mga mata. “It’s a big NO!”

“Tingnan mo `yang si Aries. Akala mo kung sinong matino. May nalaman kaya kami ni Hunter. `Di ba, dude?” baling ni Nathan kay Hunter, sabay tapik sa balikat ng huli, pagkatapos ay sabay na tumawa ang dalawa.

“Yup!” At tumawa pa si Hunter nang nakakaloko.

“Ano `yon? Guys, share it with us,” sabi ni Xander at si Luke na biglang na-curious.

“Hoy, Nathan ang dumi talaga ng isip n’yong dalawa ni Hunter,” sabi ni Aries at tiningnan nang masama ang dalawa. “Huwag n’yo nga akong idamay sa pagiging womanizer n’yo, lalo ka na, Hunter. Ikaw ang pinakamalala dito.”

“Agree!” sabay na kantiyaw nina Luke at Xander.

“Whoa! Guys, I’m not a womanizer. Habulin lang talaga ng mga chicks. And besides, what can I do? I’m every woman’s dream—guwapo, mabait, macho, tall, and smart. And ladies come to me and wants me to roll their eyes in pleasure,” pagmamalaki ni Hunter, sabay liyad pa ng dibdib habang tatawa-tawa.

 

Hay, ang yabang talaga!

Naipaikot ni Brynn ang mga mata nang marinig ang mga sinabi ni Hunter. Nasa may gilid siya ng pader habang nakikinig sa usapan ng magkakaibigan.

“But, guys, good boy na kaya ito promise,” dugtong pa ni Hunter and patted his chest.

“Wow, pare, every woman’s dream, huh! At good boy? Hanep! `Taas talaga ng level!” sabi ni Luke na ngingisi-ngising binato ng unan si Hunter.

Nakisali rin sina Xander at Aries sa pakikipagbatuhan ng throw pillows. Panay naman ang ilag ni Hunter at gumaganti rin. Isa-isa nitong pinagbabato ang tatlo. Daig pa ng mga ito ang totoy na paslit na enjoy na enjoy sa pagrarambulan.

“Prrrrrrrt… Hey, guys, awat na,” saway ni Nathan na animo’y naging tatay ng apat na paslit. Nagsiupo na uli ang mga ito sa sofa at mga hinihingal. “O mabalik tayo sa usapan, ano na, Aries? Pagbigyan mo na kasi. Try mo lang kahit one time. Who knows kayo pala para sa isa’t isa,” pangungulit pa rin ni Nathan.

“Agree!” chorus ng apat.

“No, guys! Mga abnormal talaga kayo!” Mukhang madaling mapikon si Aries kapag ang pinag-uusapan ay si Monica, ang adopted child ng pamilya nito.

“Hanggang ngayon kasi, hoping pa rin `yan kay Yoh kaya nagpapaka-celibate,” tukso ni Nathan at nakipag-high-five pa kay Hunter, pagkatapos ay binato ng throw pillow si Aries.

“Whoa! Si Yohanna na naman ba? Until now we can’t believe na hoping at obsessed ka pa rin do’n. Wala kang pag-asa do’n, dude. Why don’t you just pay attention with Monica and stop hoping?”

“Wait a minute, Hunter. I think parehas lang kayo ni Aries. Parehong hoping. For all we know, hanggang ngayon ay matindi pa rin ang obsession mo kay—” Naputol ang sinasabi ni Xander nang batuhin ito ni Hunter ng throw pillow sa mukha.

“Hey, baka may makarinig sa `yong gago ka!” saway ni Hunter sa kaibigan. “Amalia, right. Amalia,” dugtong pa nito nang biglang matanaw si Brynn na papasok sa living room. Holy Cow! “Brynn! Kanina ka pa diyan?” Bigla itong napabalikwas mula sa sofa nang makita siya. Parang namutla pa sa pagkakagulat.

Akala mo, elepanteng nakakita ng daga, sa isip-isip ni Brynn. 

Ang babaeng tinutukoy ni Hunter ay si Amalia Altamirano, ang Queen of the Campus since high school. And until college ay wala pa ring nakakasungkit sa korona nito, bukod pa do’n she’s running for summa cum laude. Magkaiba sila ni Amalia ng course pero classmates sila sa ibang subjects. Medyo close din siya rito. Of course, Amalia has a perfect beauty and body and she’s a virgin. And—that’s Hunter’s obsession— to deflower pretty ladies.

“Oo, bakit? At hindi ako daga!” pasupladang sagot ni Brynn, sabay irap kay Hunter bago inilapag sa center table ang dalang tray na may lamang mga drinks. Allergic talaga siya sa mayayabang na lalaking gaya ni Hunter.

Pinagtawanan ito ng lahat.

“Wooowwwwhhh! Palusot ka talaga kahit kailan,” sabi ni Xander kay Hunter. “Oh yeah, Amaliah!” tukso pa ni Xander na sinabayan pa ng tawa nina Aries at Luke. Tumawa rin si Nathan habang nakatingin sa kanya.

Oh, my God. Nathan ang guwapo mo talaga! kinikilig na sabi ni Brynn sa isip. “Parating na `yong foods,” malambing niyang sambit kay Nathan and gave him a sweet smile. “Sige, ha?” Dumeretso na siya palabas ng living room. Pero bago siya lumabas ay inirapan uli niya si Hunter.

Ano’ng problema n’on?

“Hey, Brynn sweety. I never said that you’re a mouse. Where did you get that?” habol ni Hunter pero hindi niya ito pinansin kahit dinig naman niya. Dire-diretso lang siyang pumunta sa kitchen.

 

Kapag nakikita kasi niya ang lalaki, parang kumukulo ang dugo niya. Bakit hindi? Alam niyang noon pa man ay lihim na siya nitong pinagnanasaan dahil alam nitong birhen pa siya. Besides, she knew that Hunter’s obsession is a virgin woman. Kaya naman alam na alam na niya ang likaw ng bituka nito.

Inis siya kay Hunter dahil lahat yata ng magaganda at seksing birhen ay pinagmamanyakan nito. Papalit-palit din ito ng girlfriend. Ang alam niyang pinakamatagal nitong relasyon ay umabot lamang nang two weeks. Palikero kasi ang hudas. Hindi nakapagtataka na maraming naloloko dahil guwapo at maamo ang mukha. Parang lobo na nagbabalatkayong tupa. Bakit niya alam? Dahil lagi rin itong nakakasama ng kanyang Kuya Leighron sa pagba-bar hopping. Ang kuya niya na isa ring ubod ng playboy sa balat ng lupa.

Pero mula nang magkaroon ng misunderstanding ang kuya niya at si Nathalie—ang nag-iisang kapatid ni Nathan na childhood best friend niya—hindi na gaanong nakikipagkita ang kuya niya sa mga ito. Iniiwasan siguro si Nathalie.

“Hello, boys. Here’s your snacks,” excited na bungad ni Nathalie. Sumunod ito sa kanya dala-dala ang isa pang tray na may lamang foods. Hilig nito ang pagluluto.

***

“HOY, BRUHA! Tulala ka diyan?”

“Wala lang. Iniisip ko lang kung paano ba ako mapapansin ni Nathan. Lahat na lang kasi, ginawa ko pero waepek,” reklamo ni Brynn kay Nathalie. Kababalik lang nito galing sa living room. Ito na ang nagdala ng isa pang tray na may lamang foods na ito mismo ang nagluto.

“Hay, ewan ko ba diyan kay Kuya. Kung saan-saan pa tumitingin, eh, nandito ka lang naman. Nagmana yata `yan sa Kuya Leighron mo. Kung saan-saan pa natingin, eh, nandito lang naman ako.”

Brynn laughed.

Oo nga, alam niyang patay na patay si Nathalie sa kuya niya. Pero kung si Nathalie ay ubod ng martyr maghintay sa Kuya Leighron niya, well Brynn is not. Hindi na niya kayang maghintay pa nang matagal dahil baka may sumingit na namang ibang babae. She already waited so long and done a lot of effort. Gagawin niya ang lahat mabihag lang ang puso ni Nathan. At sisiguruhin niyang this time, magiging effective na lahat ng plano niya. Lalo na ngayon na alam na niya kung ano ang type ni Nathan sa isang babae.

Pero paano nga ba siya magiging expert?

Bakit pa kasi iyon ang criteria na hanap ni Nathan sa isang babae. Wild and well-experienced and not a virgin.

Mayamaya ay bigla siyang napapitik sa ere. “Alam ko na!”

“Uy, Brynn, ano `yong alam mo na?” Nagulat si Nathalie dahil bigla siyang tumayo.

“Ha? Wala. Naisip ko lang `yong sa thesis natin,” pag-a-alibi niya.

Weh. Ikaw, Brynn, alam ko `yang mga ngiting `yan. May binabalak ka na namang gawin kay Kuya, ano?”

“Wala, `no?” She rolled her eyes and let out a cute smile. Baka mabuking ni Nathalie na nagpapalusot siya. Matalino ang bruha.

Wala akong binabalak sa ngayon. Pero soon, I will be an expert and Nathan will be mine.

May naisip nang paraan si Brynn and hopefully her plan will work this time.

Sana lang, pumayag si Hunter. . . bulong niya sa sarili.

Written by

Aryana Almonte

Follow me on wattpad: maryshlove