THE SPLASHING sounds of water soothe her like it was the loveliest music. It blends with the cool air and salty smell as if the beach is just nearby.

Gising na, Yara.

Inuutusan na siya ng utak upang bumangon pero tila temptasyon sa kanya ang ganda ng kanyang panaginip. Bilang tao ay may pagnanais ang katawan niyang humilata muna sa malambot na kamang kinahihigaan at patuloy na mangarap na nasa tabing dagat nga siya.

Isang minuto na lang…  promise.

Minsan lang siya magkaroon ng halos makatotohanang panaginip kaya lulubos-lubusin na niya.

She’s still enjoying her magnificent dream when a ray of sun hit her face. Napilitan tuloy siyang ibuka ang mata upang inspeksyunin ang bintana.

The window was indeed open making the sunshine come in the room effortlessly. Ang hangin naman ay pinapasayaw ang puting kurtina na nakasabit doon. Parang nakikisayaw ito sa alon ng panaginip niya.

But wait… Did she just saw white curtain? Sa pagkakaalala niya ay venetian blinds ang nasa bintana ng kwarto niya. Paano nagkaroon doon ng puting kurtina?

Napabalikwas siya at nilingon ang paligid. Hindi lang ang kurtina roon ang tila bago. Mula sa kama, mga muwebles, pati ang kawayan na dingding ng kwarto ay bago sa paningin niya. Agad siyang tinubuan ng kaba sa dibdib.

Where the hell am I?

Muli siyang napatingin sa bukas na bintana. Walang grills iyon at klarong-klaro ang asul na dagat at langit.

That’s why the sound of waves seems so real.

She closed her eyes and inhaled the cold breeze. Pati na rin ang amoy ng dagat at lamig ng hangin ay pareho ng nasa panaginip niya. At lahat ng iyon ay totoo dahil ilang metro lamang ang layo niya mula sa dagat.

What the hell is happening, Yara?!

“Good morning, love.”

Napalingon siya sa kanyang tabi at doon na niya nakita ang isang gwapo at topless na lalaki.

“Matthew?!”

Para siyang aatakehin sa gulat. Hindi niya inaasahan na gigising na lang siya sa isang hindi pamilyar na lugar at katabi pa ang playboy na lalaking ito!

Mabilis niyang pinakiramdaman ang sarili. OMG! She’s freaking naked too! At base sa nararamdamang discomfort sa sentro ng kanyang pagkababae ay mukhang may nangyari nga sa kanilang dalawa!

Agad niyang ipinikit ang mga mata at pilit inalala ang nangyari. Nasa bar siya at umiinom ng tequila. Pagkatapos ay lumapit sa kanya ang isa ring lasing na si Matthew. Nagkatuwaan sila at umorder pa ng dagdag na inumin. Pagkatapos noon ay sumakay sila sa sasakyan ni Matthew kung saan naghihintay ang driver nito at nagpahatid sila sa isang resort sa Batangas. And the rest is history!

Shit!

She now clearly remembers everything. Last night was the first time she ever gave herself to a man. Maingat naman siya dati sa mga naging boyfriends niya. Minsan nga ay nagiging away pa nila ang pagtanggi niyang magkaroon sila ng sexual activities. Pero ngayon? Ibibigay niya lang pala iyon sa isang lalaking mas bata sa kanya? Sa lalaking playboy? Sa lalaking kapatid pa ng bestfriend niya!

“Grabe naman ang reaction mo. Para namang hindi mo ginusto ang lahat ng nangyari kagabi.” Nakita niya ang pagsilay ng isang nakakalokong ngiti sa labi ni Matthew.

Her heart skipped a beat thinking how Matthew made love to her—how she gave into his kisses which led them both naked on the bed; how she responded to his touch; how he took her pureness; how they danced into the music only the two of them could hear; how he brought her to heaven in multiple times that she even lost count.

Oh no… what the fuck have I done?!

Written by

Ysa Lee

Ysa Lee