PIKIT-MATA niyang dinama ang mumunting pagyanig ng kanyang mga kalamnan habang ninanamnam ang sarap na dulot niyon. Pilit din niyang pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng puso habang hinahabol ang hininga.

Pucha!

Nangyari na naman.

Nadarang siyang muli.

Nagpaubaya.

Hindi pa man tuluyang kumakalma ang buo niyang katawan ay naramdaman na naman niya ang mainit na kamay na humahaplos sa kanyang dibdib. Ang mga daliring iyon ay naglakbay pababa sa kanyang tiyan, pababa sa puson hanggang sa mapangahas na sinalat ang kanyang hiyas.

Napasinghap siya at pilit nilabanan ang muling pagbangon ng emosyon. Kailangan niyang pigilan ang paulit-ulit niyang pagpaparaya. Hindi niya hahayaang matalo na naman siya.

Pero parang may kung anong mahika ang lumalamon sa kanyang pagkatao sa tuwing nahahawakan siya ng kamay na iyon. Nahihirapan siyang tumanggi. Natatakot siyang tumigil ito.

Iminulat niya ang mga mata at naaninag ang mukha ng lalaking may-ari ng talentadong kamay na iyon. Nakaupo ito sa kanyang tabi habang nakangising nakatunghay sa walang saplot niyang katawan. Hindi nawala sa mga mata nito ang apoy na kanina pa nagpapainit ng kanyang pagkatao.

Saan siya kukuha ng lakas upang tanggihan ang lalaking ito? Kaya kaya niyang mawala ito sa piling niya?

Ibinaba ng lalaki ang mukha para halikan ang gilid ng kanyang tainga. Ang mga daliri nito ay patuloy pa rin sa paggawa ng mahika sa kanyang hiyas. Napapikit na lamang siya sa sensasyong dulot ng pagpapala nito sa kanyang katawan. Walang ibang nakakagawa niyon sa kanya. Ang lalaking ito lang.

Ilang sandali ay muli na naman siyang pumailanlang at nagbabadyang marating ang sukdulan.

`Ayan na naman… `Ayan na…

Tila may bombang sumabog mula sa kanyang kaibuturan at inihagis siya sa langit. Napayakap na lang siya sa hubad na katawan ng lalaki para pigilan ang sarili na mapasigaw sa intense ng orgasm.

Napakainit.

Nakakabaliw.

Walang katulad.

Habang bumababa mula sa rurok ng ligaya ay napatitig na lang siya sa mukha ng binatang mahigpit din ang yakap sa kanya. Kinintalan siya nito ng halik sa mga labi at pagkatapos ay bumulong.

“Katrina, stay with me…”

Gusto niyang sagutin ang pakiusap nito, pero alam niyang madadagdagan lang ang mahabang listahan  ng kanyang mga kasinungalingan.

Dahil kahit anong pigil niya ay lalabas din ang katotohanan.

Malalaman ng lahat na hindi siya ang tunay na Katrina. At hinding-hindi siya puwedeng manatili sa piling ng lalaki.

Written by

Ysa Lee

Ysa Lee