I WON’T go! Over my dead body! Nag-replay sa isip ni Marissa ang sinabi niyang iyon noong nakaraang araw. Bakit nga naman niya pahihirapan ang sarili? Alam niyang malaki ang inis sa kanya ni Lance. Hindi niya ito puwedeng makasama nang isang buong araw. “Excited?” Napabuntong-hininga siya nang lumapit si Lance sa sasakyan kung saan …
Her Naked Lies: Chapter 6.1
HINDI mapakali si Marissa sa narinig mula kay Ma’am Betty. Nasa kusina na siya at naghahanda ng merienda para kay Keith. Katatapos lang silang i-check up ni Keith nang biglang tumawag ang police station. Iniimbitahan siya para makuhanan ng statement tungkol sa nangyaring aksidente. Pero ayaw niyang pumunta! Sino ba namang bubuwit ang gustong pumasok …
Her Naked Lies: Chapter 5.2
KUNG gaano kaganda ang mga bulaklak sa hardin ni Ma’am Betty ay ganoon kasama ng panaginip ni Marissa kagabi. Napanaginipan niyang nakasuot siya ng nightie at kumatok sa pinto ng piano room ni Lance. Mabuti na lang, nagising siya bago pa man bumukas ang pinto. My God! Kahit ibitin siya nang patiwarik, hinding-hindi niya gagawin …
Her Naked Lies: Chapter 5.1
TULOG na si Ma’am Betty, pero hindi pa rin inaantok si Marissa. Kanina pa siya nakatitig sa credit card na bigay sa kanya ng ginang. Sinubukan niyang ibalik iyon dito, pero hindi nito tinanggap. Kung gusto raw niyang huwag itong magtampo, tanggapin daw niya iyon at gamitin. Para daw kahit paano ay may pambili siya …
Her Naked Lies: Chapter 4.2
ALAS-SAIS pa lang ay nasa kusina na si Marissa, tinutulungan ang tagaluto para maghanda ng agahan. Sa una ay ayaw pa ng mga ito na tumulong siya, pero sa huli ay wala ring nagawa. Gusto niyang siya mismo ang maghanda sa mga kakainin ni Ma’am Betty. Siniguro niyang low fat and low salt ang mga …
Her Naked Lies: Chapter 4.1
NAPAMULAT si Marissa nang marinig ang pamilyar na tunog ng kanyang relo. Alas-singko na naman ng umaga. Pinatay niya ang alarm at ipinikit uli ang mga mata. Unti-unti na siyang nahihimbing nang may kakaibang tunog na naman siyang narinig. Iminulat niya ang mga mata, bumangon, at hinanap ang pinanggagalingan ng tunog. Binuksan niya ang pinto …
Her Naked Lies: Chapter 3.3
NANINIKIP ang dibdib ni Marissa habang pinagmamasdan si Ma’am Betty na nakahiga sa malawak nitong kama. Nakatulog ito pagkatapos painumin ni Keith ng gamot. Nakadalo pa rin ang doktor sa ginang, pinapakinggan ang dibdib nito gamit ang stethoscope. Napakabait ni Ma’am Betty sa kanya. Hindi niya nanaising magkasakit ito. Lumapit si Keith sa kanya. “Cheer …
Her Naked Lies: Chapter 3.2
FAMILY dinner. Gustong-gusto ni Marissa na matulog na lang pero hindi puwede. Walang rason para tumanggi siya. She’s Katrina Santiago—for now. Suot ang regalo ni Ma’am Betty na puting off shoulder swing sundress ay bumaba siya sa dining room para sumalo sa hapunan. Habang nasa sa hagdan ay naalala niya ang nangyari nitong umaga nang …
Her Naked Lies: Chapter 3.1
NANIGAS ang buong katawan ni Marissa habang pinapanood ang pagbaba ng lalaki sa hagdan. Habang palapit ito nang palapit sa kanya ay mas lumilinaw ang mukha nito. Hindi siya namamalikmata lang. Si Vince nga ang nakikita niya! “Nagulat ba kita?” tanong nito nang halos isang dipa na lang ang layo sa kanya. Sa ganoong distansiya …
Her Naked Lies: Chapter 2.3
POONG mahabagin! Alam ni Marissa na maykaya ang pamilya ni Vince dahil nakapagtapos ito ng kursong Medisina. Mababakas din sa ayos ng ina nito ang sopistikasyon. Pero hindi niya inakalang sobrang yaman ng mga ito. Mula sa gate ng bahay hanggang sa malawak na hardin ay naghuhumiyaw ng karangyaan. Well- maintained ang mayayabong na mga …