KUNG gaano kaganda ang mga bulaklak sa hardin ni Ma’am Betty ay ganoon kasama ng panaginip ni Marissa kagabi. Napanaginipan niyang nakasuot siya ng nightie at kumatok sa pinto ng piano room ni Lance. Mabuti na lang, nagising siya bago pa man bumukas ang pinto.

My God! Kahit ibitin siya nang patiwarik, hinding-hindi niya gagawin ang ginawa niya sa panaginip! Grabe! Ang sama talaga ng panaginip na iyon. At wala siyang ibang sinisisi kundi si Lance. Si Lance na tinutukan siya ng “patalim” kagabi.

“Dahan-dahan, hija. Baka mabunot mo ang mga ugat ng bulaklak,” paalala sa kanya ni Ma’am Betty.

OMG!

Muntik nang makalimutan ni Marissa na nasa garden siya at tinutulungan ang ginang na  magtanim ng mga rosas. Siya mismo ang nag-suggest sa ginang na dapat itong maghanap ng activity na pampawala ng stress. At nang sabihing nitong gusto nitong magtanim ng halaman ay masaya siyang nagboluntaryo na tumulong.

“Pasensiya na po, Mama Betty. May pumasok lang po sa isip ko.” Totoo iyon. Hindi nga lang niya puwedeng sabihin na ang anak nito ang gumugulo sa isip niya.

“Baka naman maraming gumugulo sa isip mo, sister-in-law?”

Muntik nang mabunot ni Marissa ang itinanim niyang rose nang marinig ang boses ni Lance mula sa likuran niya.

Ugh! Wala na bang ibang magawa ang lalaking ito kundi ang buwisitin siya?

Nang lumingon siya ay bumungad sa kanya ang bagong ligong si Lance. Nakasuot ito ng puting T-shirt at jeans.

Oo na, guwapo na kung guwapo. Pero alagad ka pa rin ng kasamaan! Hinding-hindi matatabunan ng kakisigan nito ang masamang ugali.

Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. “Wala naman. I’m fine, brother-in-law.” Siniguro ni Marissa na mariin ang pagkakasabi niya sa “brother-in-law” para maalala nito kung sino siya sa bahay na iyon. Na hindi siya dapat binabastos tulad kagabi.

Ngumisi lang si Lance bago nilapitan si Ma’am Betty at hinalikan sa pisngi. “Are you sure puwede ka nang mag-gardening uli, `Ma? Baka mabinat ka niyan?”

“Naku, anak. Lalo akong magkakasakit kung nasa kuwarto lang ako at nakahiga. Mabuti na itong nakakalanghap ako ng sariwang hangin. At saka…” Lumingon ang ginang sa kanya. “Nandito naman si Katrina, tinutulungan ako. Nakakatuwa nga, eh. Ang bilis niyang matuto. Sa wakas, may katulong na ako sa pag-aalaga sa garden ko.”

Nakita ni Marissa na tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Lance.

“Talaga po?”

“Oo.” Lumapit sa kanya si Ma’am Betty at tinapik siya sa balikat. “Mula ngayon, si Katrina na ang tutulong sa akin dito.”

Pumagitna si Lance sa kanilang dalawa. “Siyanga pala, `Ma. That company I was telling you about, I think they are interested with our meat products.” Pagkasabi niyon ay iginiya nito ang ina palayo sa kanya.

Hindi na kailangan ng isang matalino para maintindihan kung ano ang ginagawa ni Lance. He was clearly trying to come between her and Ma’am Betty.

Ah! The nerve! Para na rin nitong sinabi na hindi dapat lumapit ang ina nito sa kanya.

Ilang sandali pang seryosong nag-usap ang mag-ina nang magpaalam sa kanya ang ginang. May kailangan daw itong tingnang papeles na patungkol sa binabanggit ni Lance na kompanya. Sasama sana siya dahil ayaw niyang maiwan kasama ang damuho, pero ang sabi ni Ma’am Betty ay ituloy raw niya ang pagtatanim. Kaya naman hawak-hawak ang mga tangkay ng rosas sa putikan niyang mga kamay ay itinuloy niya ang pagtatanim. Magkukunwari na lang siyang wala roon ang lalaki.

Pero kahit anong pilit niya na huwag pansinin si Lance ay lalo naman itong lumalapit sa kanya. Hanggang sa nasa harap na niya ito at amoy na amoy ang sabong panligo na ginamit nito.

“Alam mo, mahal kong sister-in-law? Mas napatunayan ko ngayon na tama ang mga hinala ko sa `yo.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Please stop it, Lance. Ayoko ng away.”

Pumalakpak ito. “Hah! Ang galing mo talagang umarte, ano? Parang totoo lang.”

“I’m not a gold digger.”

“Oh, yes, you are. At isa ka ring dakilang sipsip. Are you happy now that my mother believes in you? Ang garden na ito ay mahalaga sa kanya. Sino ka para pagkatiwalaan niya nito?”

Napabitaw si Marissa sa hawak na mga tangkay at hinarap si Lance. “Hoy, ikaw! Sumosobra ka na. Eh, ano naman kung ako ang nakikita niya na puwedeng mag-alaga ng garden? Kaya siguro hindi ipagkakatiwala ng nanay mo ang garden sa `yo ay dahil alam niyang mamamatay lang ang mga tanim na ito kapag ikaw ang nag-alaga!”

“I have a green thumb. Hindi mo lang alam.”

“Mapa-pink, blue, orange, or yellow pa `yang thumb mo, wala akong pakialam. Kahit na sa `yo pa mismo ipagkatiwala ni Mama Betty ang garden, I don’t care. Please lang, huwag mo na akong guluhin pa. At lalong huwag mo akong insultuhin.”

Ngumisi si Lance at tuluyan nang idinikit ang katawan sa kanya. “Oh, I won’t stop, dear sister-in-law. Hindi ako titigil na ilantad kung ano ka talaga. Gold digger.”

Halos hindi makahinga si Marissa sa pagkakalapit nila. Naalala tuloy niya ang eksena kagabi habang ramdam na ramdam ng kanyang puson ang matigas nitong…

Shocks! Ba’t ba naiisip pa rin niya iyon?

“L-lumayo ka nga,” sabi niya, sabay tulak sa lalaki palayo sa kanya. Huli na nang makitang nadumihan pala ng kamay niya ang puting T-shirt nito.

OMG! “I’m sorry. Hindi ka dapat kasi lumalapit sa akin.”

Pero imbes na magalit ay tumaas lang ang isang ng mga labi ni Lance. “Sinadya mo talaga ito, ano?”

“O-of course not! Humaharang ka kasi.”

“Really? Or you just want me to do this kaya mo dinumihan ang damit ko?”

Sa isang iglap ay nahubad na ni Lance ang T-shirt nito. Huli na para takpan niya ang mga mata. Nakita na niya ang tikas ng pangangatawan ng lalaki. Nagsusumigaw ang six-pack abs nito para sa isang recount. Kasi naman, mukhang hindi lang six iyon.

Parang eight?

Agad ipinilig ni Marissa ang ulo at inilayo ang tingin.

Ano ba, Marissa? Sira ka ba? Bakit mo binibilang ang abs ng kampon ng kasamaan na lalaking `yan?!

“Why can’t you look at me? Nahihiya ka?”

“Ano’ng gusto mo? Titigan kita?!”

“Why not, kung `yan naman talaga ang gusto mong gawin? Kaya mo nga dinumihan ang damit ko ay para makita mo ang katawang `to.” Bahagyang lumapit sa kanya si Lance kaya napaatras siya. “Tell me, Katrina. Sino ang mas maganda ang katawan sa amin ng kakambal ko? Ako o siya?” Muli itong lumapit kaya napilitan siyang umatras uli.

“Huwag ka nang mahiya. My brother only loves reading books. Sa aming dalawa, ako ang athletic. Ako ang mas babad sa physical work. Kaya siguro naman, ako ang mas maganda ang katawan.”

Hindi makapaniwala si Marissa! Nasisiraan na talaga ng ulo ang lalaki.

“C’mon, Katrina. You can touch it if you want. Just see the difference.”

Shems! Mukhang si Lance nga ang mas maganda ang katawan. Ito ang may abs. Hindi na kailangan ng tactile examination para masabi iyon. Lance’s body is a work of art. His six-pack abs and narrow hips is a winner. Pang-modelo.

Isang hakbang pa muli ang ginawa nito. “C’mon, Katrina. Touch it. Mama won’t know.”

Napalunok si Marissa.

“Go on, dear. Feel it. O baka naman nahihiya ka lang? We can do it in secret though… inside my room… or yours.”

Doon na siya nagising. Agad siyang lumayo kay Lance. Mabilis niyang kinuha ang hose ng tubig at ibinuga iyon sa lalaki.

“What the hell!” bulalas nito habang sinasalag ang malakas na buga ng tubig mula sa hose. “Sira ka ba?”

Itinigil ni Marissa ang pagbuga ng tubig sa lalaki, saka ito pinandilatan. “Ano’ng tinging mo sa akin? Manyak na tulad mo? Na uhaw makahawak ng abs? Huwag ako, Lance!”

Tumawa ito. Basang-basa na ang lalaki mula ulo, dibdib, abs hanggang sa pantalon.

Shems! Parang magsu-shoot lang ng Bench underwear!

Agad din niyang kinastigo ang sarili. She won’t fall for this man’s charm. Kampon ito ng kasamaan!

“Oh, well, it’s your loss, Katrina. You should be proud. I’m giving you full access to these,” sabi nito, sabay turo sa katawan na para bang grasya iyon na pinalagpas niya.

“I don’t want any access to you or to your body. Kaya get away from me.”

“For a gold digger, you’re quite the tough kind.”

“Hindi nga ako gold digger!”

“Let’s wait and see.”

“You—”

“Anak! You’re wet. Ano’ng nangyari?”

Agad inayos ni Marissa ang sarili at saka hinarap si Ma’am Betty. “Uhm, `Ma. Kasi po, si Lance—”

“I was just trying to help Katrina. Naaawa ako sa kanya dahil mukhang nahihirapan. Kaya lang, aksidenteng nabasa niya ako ng tubig. But I’m fine, `Ma.”

At kasalanan ko pa dahil nabasa siya?

Unbelievable!

“Naku, anak, magpalit ka na ng damit sa `taas para hindi ka lamigin,” sabi ni Ma’am Betty.

Kitang-kita ni Marissa ang pagngisi ni Lance habang nakatingin sa kanya. “Okay lang, `Ma. Sa ‘kuwarto’ ko na lang.”

Aba! At in-emphasize pa ang salitang “kuwarto” sabay tingin sa kanya.

“Hello, Tita Betty, Lance.”

Napatingin silang lahat sa di-kalayuan at nakitang nakatayo roon si Keith. Ang doktor niya at ni Mama Betty.

“Hello, Katrina,” bati ni Keith kalakip ang isang matamis na ngiti.

Napangiti rin si Marissa. “Hi, Keith!” masiglang bati niya sa doktor.” Napipikon na talaga siya kay Lance kaya naman sakto lang na iba naman ang makausap niya. Naghugas siya ng mga kamay, saka agad nilapitan si Keith. “You’re here to check on Mama Betty?”

Ngumiti si Keith at saka tumango. “And you, too. You’re still my patient, baka nakakalimutan mo.”

“Ah, ha, ha! Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan. Wait, dadalhin ko si Mama Betty sa loob para doon mo kami i-check,” suhestiyon niya.

Tumango si Keith bilang pagsang-ayon.

“Ah, `Ma, doon muna tayo sa loob. Itse-check up daw po tayo ni Keith,” baling ni Marissa sa ginang.

“Ang bait talaga nitong si Dr. Garcia. May pa-home service pa,” biro ng ginang na ikinatawa ni Keith. Tinapunan niya ng tingin si Lance na naroon pa rin. “Oo nga po, eh. Ang ‘bait’ ni Doc Keith. Sana ang iba diyan ay mabait din.”

Nakita niyang nagdilim ang mukha ni Lance, parang alam na ito ang pinatatamaan niya. Pero hindi na niya ito pinansin. Inakay na lang niya si Ma’am Betty papasok sa bahay.

Pero habang naglalakad ay hindi niya mapigilang lumingon kay Lance. Nakatitig pa rin ito sa kanila. Mababakas ang inis sa mukha. Napasulyap siya sa mga abs nito.

Shocks! Muntik ko nang patulan ang sinabi niyang ‘feel my abs.’ `Kaloka!

Written by

Ysa Lee

Ysa Lee