TULOG na si Ma’am Betty, pero hindi pa rin inaantok si Marissa. Kanina pa siya nakatitig sa credit card na bigay sa kanya ng ginang. Sinubukan niyang ibalik iyon dito, pero hindi nito tinanggap. Kung gusto raw niyang huwag itong magtampo, tanggapin daw niya iyon at gamitin. Para daw kahit paano ay may pambili siya ng mga sariling pangangailangan.

“Biyuda ka ni Vince. May karapatan ka sa naiwan niyang pera,” sabi ng ginang bago siya lumabas ng kuwarto nito.

Lalo siyang nakokonsiyensiya. Ayaw niyang gamitin ang perang naiwan ni Vince dahil isa iyong malaking pagkakamali.

Mula sa kinauupuang kama ay tumayo siya. Kailangan niya ng preskong hangin, kung hindi ay mababaliw na siya.

Pagkatapos isuot ang robe ay lumabas na siya ng bahay. Gusto niyang magpahangin at makapag-isip-isip.

Kung tuso lang siya ay gagamitin niya ang credit card para makakuha ng pera at makabili ng cell phone. Pagkatapos ay tatawagan niya ang nanay niya at sabihing nagpadala na siya ng pera para sa pagpapagamot nito. Kaya lang, lalo lang siyang malalagay sa alanganin. At lalong hindi siya mapapatawad ni Ma’am Betty kapag nalaman na nitong nagkukunwari siya at ginamit pa ang perang hindi sa kanya.

Naputol ang pag-iisip niya nang mapansing malapit na pala siya sa hardin. Kaya naman pala lumalamig na ang paligid.

Huminga siya nang malalim at hinayaang pumasok sa sistema niya ang preskong hangin. Kailangan niya iyon. Masyado na siyang nasu-suffocate sa mga pangyayari.

Nagsisimula nang umayos ang pakiramdam ni Marissa nang marinig na may humintong kotse sa tapat ng gate ng mansiyon. Dahil sa likas niyang pagiging curious ay natagpuan na lang niya ang sarili na naglalakad na patungo sa tarangkahan. Doon ay bumulaga sa kanya ang isang puting kotse. Mula sa driver’s seat ay lumabas ang isang seksing babae. Sa kabilang pinto naman ng kotse ay walang iba kundi ang lalaking pinaglakad siya nang isandaang metro kaninang umaga.

Lance.

Hindi alam ni Marissa kung bakit bigla na lang siyang napatakbo sa gilid ng gate para hindi siya makita ng dalawa. Medyo weird nga ang ginawa niya, pero mukhang mas gugustuhin pa niyang magtago roon kaysa makita ni Lance at muling matawag na gold digger.

“Thanks for tonight,” sabi ni Lance sa pinakamalambing na boses na narinig niya mula nang dumating siya roon.

Shocks! Masyado sigurong importante ang babae kay Lance dahil hindi niya nahimigan ng kahit kaunting arrogance sa boses nito. Malayung-malayo sa uri ng pakikipag-usap nito sa kanya.

Pero sino nga ba ang babaeng iyon?

Sumilip si Marissa para masagot ang tanong. Doon niya nakita na magkalapit na magkalapit na ang dalawa. Ang mga kamay ng babae ay nakalingkis na sa baywang ni Lance. Habang si Lance naman ay nakahawak sa mukha ng babae na ngayon ay ilang pulgada na lang ang layo sa mga labi nito.

“Are you sure you don’t want me to come in?” tanong ng babae habang ang isang kamay ay naglalakbay sa likod ni Lance.

“Do you want to? Baka hanapin ka na ng boyfriend mo?”

Dios mio! Maglalampungan ba ang dalawa roon? Sa kalsada? Talaga bang wala nang hiya si Lance?

God!

At saka ano iyon? Boyfriend? May boyfriend ang babae? Pumapatol si Lance sa isang babaeng may karelasyon nang iba?

Ugh! What can she expect of Lance? Kung tratuhin nga siya nito ay napaka-harsh. Hindi siya magtataka kung kaya nitong gumawa ng ibang masasamang bagay.

How I wish iba na lang ang naging kapatid ni Vince. Hindi ang tulad nitong…

Napatigil si Marissa nang bigla na lang naghalikan ang dalawa! Their lips locking and unlocking. Umuungol na rin ang babae na para bang nasasarapan sa ginagawa ng mga ito.

Tangines! Hindi ito ang tagpong gusto niyang masaksihan. Pero hindi siya makakaalis doon nang hindi napapansin ng dalawa. Maliban na lang kung gagapang siya sa lupa o di kaya dumaan sa gilid kung saan may mga nakatanim na santan.

Hell, no! Hindi niya gagawin iyon. Wala siyang pakialam kung man ang dalawa!

Muling tumingin si Marissa sa dalawa. They were still at it. Hindi rin nakalagpas sa kanyang mga mata ang ginawang paghagod ng babae sa harapan ni Lance! Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang ginagawa nito. Sinusubukan nitong paganahin ang lalaki. And just the thought of it disgusted her.

Why don’t you two get a room and do whatever you want?! gusto niyang isigaw sa mga ito pero hindi niya puwedeng gawin.

Napapadyak siya.

Oh, shit! Gusto niyang upakan ang sarili dahil sa ginawa. May bato pala siyang nasipa at tumama iyon sa gate na yari sa bakal!

Dahan-dahan siyang sumilip. Nakita niyang tumigil si Lance at napatingin sa direksiyon niya. Mabuti na lang, tagong-tago siya sa gilid at mukhang hindi siya nito nakita.

Pero ang babae, hayun! Patuloy pa rin sa paghalik kay Lance. This time, sa leeg naman ng lalaki. Grabe lang?! Bampira ba ito? Ang tindi!

Inaamin ni Marissa, na-bad trip siya habang pinapanood ang dalawa. Kung totoong may boyfriend ang babae, dapat hindi na nito ginagawa ang bagay na iyon.

Sa inis ay nagdesisyon siyang umalis na roon. Mabilis siyang tumalikod at dumaan sa gilid kung saan may mga tanim. Bahala nang magkasugat siya, huwag lang siyang makita ni Lance. She won’t give him a reason to confront her again. Ayaw niya dahil nakakapagod din.

Mabilis na tinawid ni Marissa ang daan pabalik sa mansiyon. Kahit medyo masakit na ang bawat hagod ng tanim sa kanyang paa sige pa rin siya. Ilang sandali pa ay nakita na niya ang dulo ng daan. Madali na lang kapag nakarating na siya roon.

Kaunti na lang. Kaunti— “Awww!”

Natisod siya kaya nakaluhod siya ngayon sa lupa.

Nakakainis!

Dahil kay Lance ay nagmumukha siyang tanga. “Buwisit ka talaga, Lance!”

“I know.”

Nanlaki ang mga mata ni Marissa nang makita ang isang pares ng paa na nakatayo sa harap niya. Mula sa itim na leather shoes ay dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.

Leather shoes…

Well-fitting pants…

With an… erection?!

Muntik na siyang mapaupo sa lupa, pero mabilis siyang hinawakan ni Lance sa braso at saka pinatayo. Pero hindi niya hinayaang madikit nang matagal ang balat nito sa kanya. Pakiramdam kasi niya ay nakakapaso iyon. Hindi rin niya magawang tumitig sa lalaki. The scene was so fucking awkward for her.

Sigurado siya, ang pagtigas ng ”bagay” na iyon ay dahil sa ginawa ng babae kanina sa labas ng gate. Pero bakit pa ba siya nito sinundan? Hindi ba mas gugustuhin nitong “mag-all the way” na lang kasama ang babae kaysa sa mag-abala pang sundan siya?

“I… I have to go,” paalam ni Marissa habang mabilis na naglalakad palayo kay Lance. Parang hindi niya ito kayang titigan sa mga mata.

Hindi rin niya alam kung saan siya mahihiya. Sa sarili ba niya o kay Lance?

Pero isa ang sigurado niya. Hindi niya kayang makipag-usap sa isang lalaking nagsusumigaw ang maselang bahagi ng katawan.

Nakailang hakbang na siya nang biglang hilahin ni Lance ang braso niya. With his strength, she ended up facing him. His eyes locked on hers.

“W-what are you doing?” nagkandautal na sambit niya. Hindi pa ba ito tapos makipag-usap?

“What were you doing there? Spying on me?” Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito habang nakatitig sa kanya.

“Of course not!”

“Then bakit ka nandoon?”

“Hindi ko alam ang sinasabi mo!”

“I saw you running away from the gate. `Tapos ngayon, ide-deny mo?”

“Let me go!” Sinubukan niyang hilahin ang braso mula sa pagkakahawak nito pero ayaw talaga siyang bitawan.

“Sabihin mo muna kung ano’ng nakita mo.”

Pucha! Naiinis na talaga siya rito. Wala na siyang choice kundi sabihin ang totoo. “Nagpapahangin lang ako. Hindi ko sinasadyang makita ko kayo.”

“What else did you see?”

Siya naman ang napangisi. “Gusto mong marinig sa akin kung paano kayo maglampungan ng babaeng may ‘boyfriend’ nang iba?”

His eyes grew darker as he stared at her. “So you heard us.”

“I heard you moan. Loud and clear.”

“And you wished it was you instead of her?”

Nanlaki ang mga mata ni Marissa. “Ang kapal! Hinding-hindi ako papatol sa `yo! Hitsura mo!”

Muli niyang tinangkang kumawala, pero hinila siya nito kaya napahawak siya sa dibdib nito. Naramdaman din niya ang “katigasan” nito sa kanyang puson.

Holy shit!

Pakiramdam niya ay may nakatutok sa kanya na sandata na ilang sandali na lang ay sasaksakin na siya. Never in her life did she feel a man’s erection poking at her. Ngayon lang! At mula pa sa isang lalaking kinabubuwisitan niya.

“Really? Hitsura ko? Hindi ka papatol sa lalaking katulad ko ang hitsura?” Inilapit ni Lance ang mukha sa kanyang tainga. His warm breath sent chills down her spine.

“Baka nakakalimutan mo, ang mukhang ito ay mukha rin ng asawa mo. Now tell me. Is this the face you don’t want to fuck?”

Nanuyo ang lalamunan ni Marissa sa narinig. Oo nga pala, kakambal nito si Vince. How could she forget that?

Pero kung ikaw ang tutukan ng “patalim,” makakapag-isip ka pa ba?

Wait! What the hell am I thinking?!

She breathed deeply to calm her thoughts. “You may look the same, pero iba si Vince. Hindi siya tulad mo. Mabait siya. Magalang sa babae. Magkaibang-magkaiba kayo.”

Lance’s eyes squinted. Mukhang nasaktan niya ang damdamin nito. Pero wala siyang pakialam. He deserved it.

“You don’t know anything about me.”

“Oh, yes, I do. Ang ginagawa mo ngayon ay isang palatandaan kung gaano ka kawalanghiya.”

She saw him smirk. “Hindi pa rin mawawala ang katotohanang iisa lang ang mukha namin. Huwag kang magsalita ng tapos. Baka ikaw pa ang kumatok sa pintuan ko at hilinging diligan ka. Just say the word…” Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa “…baka pagbigyan kita.” Iyon lang at binitawan na siya.

“H-hoy! Hindi mangyayari `yan! Mamatay muna ako bago ako lalapit sa `yo.”

“Kumatok ka lang sa kuwarto ko.”

“Hell, no!”

“One day, you will.”

“Fuck you!”

“And I’ll fuck you, too.” Iyon lang at nakangisi na itong tumalikod.

Magsasalita pa sana siya, pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Gustong-gusto niya itong sampalin, pero ayaw naman niyang malaman iyon ni Ma’am Betty.

Buwisit ka, Lance! Kahit kailan, hindi mangyayari ang sinasabi nito.

Written by

Ysa Lee

Ysa Lee