I WON’T go! Over my dead body!
Nag-replay sa isip ni Marissa ang sinabi niyang iyon noong nakaraang araw. Bakit nga naman niya pahihirapan ang sarili? Alam niyang malaki ang inis sa kanya ni Lance. Hindi niya ito puwedeng makasama nang isang buong araw.
“Excited?”
Napabuntong-hininga siya nang lumapit si Lance sa sasakyan kung saan siya nakasandal. She had been there for quite a while waiting for him.
Oo na! Siya na ang hindi mapanindigan ang sinabi. Siya na ang walang magawa sa pakiusap sa kanya ni Ma’am Betty. Kaya naman heto siya ngayon, kinakain ang lahat ng kanyang mga sinabi.
Mag-aalas-siyete na at kanina pa sila tapos mag-agahan, kaya naman akala niya ay aalis na sila ni Lance. Pero kahit tinubuan na siya ng ugat sa mga paa ay hindi pa rin ito lumalabas ng bahay. Babalik na sana siya sa kuwarto niya nang sakto namang lumabas ang damuho sa garahe.
Nilalaro ni Lance ang susi ng kotse sa kamay nito habang nakatitig sa kanya. “Akala ko ba, ayaw mong pumunta sa farm? Bakit ngayon, parang ikaw pa ang excited? Kanina ka pa rito, ano?”
Grrr! Kung puwede lang niyang saksakan ng potassium chloride ang lalaki ay ginawa na niya. But she was not there to create more chaos. Nandoon siya para magdeklara ng cease-fire.
Habang nakahiga sa kama kagabi ay naalala ni Marissa na siya ngayon ang nasa kompromiso. Kaya naman hindi na niya dapat pang sabayan ang pagiging kontra sa kanya ni Lance. Maggi-give way na lang siya at magpaparaya. Nakakapagod din ang makipagtunggali rito. Mahirap na, baka topakin pa ang lalaki at ipa-background check siya. Maaaresto siya nang wala sa oras.
Kung tutuusin, puwede naman na siyang umalis sa bahay ng mga Santiago. Umaayos naman na ang lagay ng kalusugan ni Ma’am Betty. Ang problema nga lang, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Saan siya magiging ligtas? At least ngayon, may ibang identity na siya. It could buy her more time, sapat na oras para makapagpalamig at makapag-isip pa ng paraan.
“Hindi naman, Lance,” nakangiting sagot niya. “Medyo excited lang ako sa hitsura ng farm.”
“Excited ka rin sigurong makita kung gaano kalaki ang mamanahin mong lupain,” puno ng pang-uuyam na sabi nito.
Ugh!
Pero imbes na sagutin ito nang pabalang ay umiling na lang siya. “Sa tingin ko, mali ang pagkakakilala mo sa akin, Lance. Hindi ako gano’ng klaseng babae. Wala akong interes sa yaman ninyo.”
Lumapit ito sa kanya, hanggang sa ilang pulgada na lang ang pagitan nila. She could even smell his aftershave. She wished she could cover her nose because it was starting to tweak her brain cells.
“Wala naman sigurong espesyal sa nakain mong breakfast, ano?” tanong ni Lance.
“A-ano’ng ibig mong sabihin?” Muling napaatras si Marissa dahil lalo pang inilapit ni Lance ang katawan nito sa kanya. She could feel the cold steel of the car on her back.
“Sigurado kang ayaw mo sa kayamanan namin?”
“Wala akong—”
“Liar.”
“I just want to see the—”
“Liar.”
“Sa inyo na ang—”
“Liar.”
Ughhh! Pero hanggang sigaw na lang sa isip ang kaya niyang gawin. Ni hindi niya kayang ipakita sa mukha na naiinis na siya sa kampon ng dilim na si Lance. Kaya gamit ang buong kontrol sa sarili ay tumango na lang siya at saka bumuntong-hininga.
“Wala akong magagawa kung hindi ka naniniwala sa akin. Hindi ko na hawak ang pag-iisip mo. Pero kung may natitira pang konsiderasyon sa puso mo, just treat me as someone who just got into a very tragic accident. Kahit iyon lang.”
Nakita ni Marissa ang bahagyang paglaki ng mga mata ni Lance. Mukhang hindi nito na-anticipate ang sinabi niya. At mukhang dahil din doon ay umatras ito at saka tinungo ang pinto ng driver’s seat.
Yes! Pakiramdam ni Marissa ay nanalo siya sa pagkakataong iyon. She could see him tear his gaze away from her as if he felt ashamed of what he did.
Ah! Ngayon, may idea na siya kung paano niya magagawang kontrahin ang pagtrato sa kanya ni Lance. She just got a glimpse of hope na magbabago ito. Or if not, even just to tone him down a bit.
“Sasama ka ba o tatayo ka lang diyan maghapon?”
Muntik nang mapatalon si Marissa sa kinatatayuan nang marinig ang pagtaas ng boses ni Lance. Mukhang mali ang konklusyon niya. Isang malaking ampalaya ang lalaki. Kahit mahilig siya sa gulay ay hindi niya kayang ubusin ang pait nito. He was a crossbreed of arrogance and a pain in the ass!
“Nandiyan na.”
Sana lang ay matunaw na niya si Lance gamit lang ang malambing niyang boses. Pero mas mauuna pa yatang matunaw ang ice caps sa north pole kaysa sa magaspang nitong ugali.
AYON kay Ma’am Betty kaninang umaga, halos isang oras ang layo ng farm ng mga Santiago mula sa mansiyon. It has been more than thirty minutes kaya naman ine-expect pa niya ang ilan pang minutong kasama niya si Lance sa biyahe.
It was weird because he didn’t talk to her for the last thirty minutes. At ikinatutuwa niya iyon. At least, hindi siya mamomroblema sa pagsagot dito. But just as she was enjoying her solitude, bigla na lang tumigil ang sinasakyan nila.
Napalingon siya kay Lance. “Ano’ng nangyari?”
“Bigla na lang tumigil. Tingnan ko muna.” Lumabas ito at binuksan ang hood ng kotse.
Lumabas na rin siya para malaman ang problema.
“I think ang starter ang may sira,” sabi ni Lance habang nakatingin sa loob ng hood.
Walang alam si Marissa tungkol sa mga kotse, at lalong hindi siya nagda-drive. Kaya wala siyang maitulong sa problema nila ngayon.
Napatingin siya sa paligid. Halos walang bahay sa parteng iyon ng daan. Ang tanging nakikita niya ay ang mga kahoy at halaman. Pero may naririnig siyang lagaslas ng tubig. Malamang, malapit lang doon ang ilog.
Ibinalik niya ang tingin kay Lance. “Kaya mo bang ayusin `yan?”
“Hindi. Pero makakaalis pa rin naman tayo rito.”
“`Buti naman. Magpapasundo ba tayo?”
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Lance. “Hindi.”
“H-ha? So paano tayo aalis dito?”
“Magtutulak ka ng kotse.”
Pakiramdam ni Marissa ay tinakasan ng dugo ang mukha niya. “A-ano? Magtutulak ako ng kotse?!”
“Bakit? Marunong ka bang magmaneho?”
Napalunok siya. “H-hindi.”
“O, eh, di ako ang magmamaneho habang itutulak mo ang kotse.”
“Seryoso ka ba? Babae ako.”
“Marunong ka bang magmaneho? `Di ba, hindi? Kaya, go.”
Napatingin siya sa suot niya. Nakasandals nga siya, pero nakasuot naman siya ng mahabang palda at sleeveless blouse. Wala sa hitsura niya ang magtutulak ng kotse!
Isinara ni Lance ang hood at bumalik sa driver’s seat. “Ano na?” asik nito dahil hindi pa rin kasi siya kumikilos mula sa kinatatayuan.
Ugh! Sana lang talaga, totoong may sira ang kotse. Dahil kung ginagawa lang iyon ni Lance para pahirapan siya, baka hindi na niya ito matiis.
“Oo na. Magtutulak na!”
Pumuwesto siya sa likod ng kotse at sinubukang itulak iyon gamit ang buong lakas. Pero halos hindi niya mapagalaw ang sasakyan.
“Tulak pa,” utos ni Lance.
Lalo niyang pinag-igihan ang pagtulak. Pero malas talaga, sobrang bigat ng kotse. Hindi niya kaya! Nagsisimula nang lumawit ang dila niya nang biglang may humintong sasakyan sa kanyang likod. Napatigil siya sa ginagawa. May dalawang lalaking lumabas mula roon. Mukhang kaedad lang niya ang mga ito. Mga nasa mid 20s. And to be fair, hindi rin masama ang hitsura ng mga ito.
“You need help, Miss?” tanong ng lalaki na nakaputing T-shirt.
Yes! Sa wakas ay mukhang matatapos na ang kalbaryo niya. “Oo! Salamat sa offer ninyo,” walang pagdadalawang-isip na sabi niya. “Tumirik ang kotse at kailangang itulak.”
Agad pumuwesto ang dalawang lalaki sa likod ng kotse at saka iyon itinulak.
Tumingin si Marissa kay Lance na sinusubukang paandarin ang kotse. Nakailang metro lang ng tulak ang dalawang lalaki nang biglang umandar ang saksakyan.
“Success!” Pagkasabi niyon ay nilapitan ni Marissa ang dalawang lalaki. “Salamat talaga. Kung hindi dahil sa inyo, stranded na kami dito.”
Ngumiti ang dalawang lalaki. Akmang makikipag-handshake ang mga ito nang akbayan siya ni Lance.
WTF? Ni hindi niya napansing lumabas ito ng kotse at nakalapit sa kanya.
“Salamat, mga pare,” sabi ni Lance.
Gustong alisin ni Marissa ang braso nito na nakaakbay sa kanya, pero mahigpit ang pagkakaakbay sa kanya.
Umiling ang isa sa dalawang lalaki. “Wala iyon, pare. Pero next time naman, huwag mo nang pagtulakin ng kotse ang girlfriend mo.”
Girlfriend? Ganoon ba ang dating nila ni Lance sa mga ito?
Agad umiling si Marissa. “Ah, hindi kami—”
“Sure, pare. Ngayon lang naman `to kasi hindi pa siya marunong mag-drive.” Idinikit ni Lance ang mukha sa kanya. “Hindi bale, matututo rin siyang mag-drive. `Di ba, love?”
Kanina, girlfriend, ngayon naman, love? Is he fucking serious?
Shems!
Gustong sikuhin ni Marissa ang lalaki, pero hindi niya kayang gawin. Kaya isang ngiti na lang ang isinukli niya rito.
Pagkatapos magpaalam sa kanila ng dalawang lalaki ay agad nang sumakay sa kotse at umalis.
Bumalik naman si Lance sa umaandar na kotse. Walang patumpik-tumpik na sinundan niya ito. Umupo siya sa passenger’s seat.
“Bakit mo sinabing girlfriend mo ako?” asik niya rito.
“What’s the big deal? Kamukha ko naman si Vince.”
“Hindi pa rin tama!”
Sumeryoso si Lance. “I’m just saving your pretty ass, okay?”
“Saving me? Seriously?”
“Bakit? Kung sasabihin kong sister-in-law kita, siguradong mag-iisip sila ng masama sa atin. Ang biyudang babae ay kasama ang bayaw niya sa isang remote na lugar. Ano na lang ang iisipin nila? Na may affair tayo?”
“Ang dumi ng isip mo! Grabe. Eh, ano naman kung sabihin mo ang totoo?”
“Did you see how they looked at you?”
“Hindi ko nakita kasi hindi ako nag-iisip ng masama sa kapwa ko.”
“You’re just playing naïve. Kamamatay lang ng kapatid ko, okay na sa iyong makipag-flirt sa iba?”
Nanlaki ang mga mata ni Marissa. “What the hell?! Me, flirting? Seryoso ka?”
“At bakit hindi? Nakita ko kung paano mo s-in-educe si Keith. Hindi ako magtataka kung gawin mo rin iyon sa ibang lalaki. I won’t even question kung pati ako ay nasa listahan mo.”
Doon na uminit ang ulo niya. Her hand flew right to his cheek. “Hindi ako gano’ng klaseng babae!” Sa inis ay lumabas siya ng kotse.
Sumunod naman agad ito.
Dahil ayaw niyang maabutan ay binilisan niya ang lakad.
Fuck! Her feet were trembling, causing her to trip. Namalayan na lang niyang nasa lupa siya, nakaupo.
“KATRINA!”
Itinulak ni Marissa si Lance nang lumapit ito sa kanya at daluhan siya. “Kaya ko ang sarili ko.” Sinubukan niyang tumayo pero mukhang napilayan nga talaga siya.
Shit! Shit! Shit! Bakit ngayon pa?
Susubukan sana uli niyang tumayo nang maramdaman ang dalawang braso ni Lance na bumubuhat sa kanya. She felt herself floating. At dahil naiinis siya rito ay nagpumiglas siya. Pero imbes na ibaba siya ay lalo lang siyang hinawakang mabuti.
“I won’t leave you here kahit iyan pa ang gusto mo.”
“Kung hindi mo ako ininsulto, hindi ito mangyayari.”
“If you just act properly and quit seducing men, hindi ito mangyayari.”
“I’m not seducing anyone!”
“Then don’t get near other men!”
“Ano ba’ng pinagsasasabi mo? Alangan namang iwasan ko ang lahat ng mga lalaki!”
“Then do it! I hate seeing you near them, lalong-lalo na sa doktor na iyon!”
Natigagal si Marissa. Ayaw nitong lumapit siya sa ibang lalaki? Hindi kaya… nagseselos ito?