HINDI mapakali si Marissa habang nakaupo sa veranda ng farmhouse. Doon siya ibinaba ni Lance pagkatapos siyang buhatin mula sa kotse. Pumasok lang ito sa loob ng bahay para kumuha ng first-aid kit.
First-aid kit? Marunong bang gumamot ng pilay si Lance?
Malalaman din niya ang sagot dahil naririnig na niya ang mga hakbang nito pabalik sa kinaroroonan niya. Inilapag nito ang isang puting kahon at binuksan iyon. Tumambad sa kanya ang iba’t ibang pamilyar na gamit—mga dati niyang hawak tulad ng forceps, bandage, scissors, cotton balls, alcohol, hydrogen peroxide, gasa, gloves, at kung ano-ano pa. Naalala tuloy niya ang dating trabaho. Nami-miss na niya iyon. Kahit inaalagaan niya si Ma’am Betty ay iba pa rin kapag pina-practice talaga ang propesyon.
“Ayos ka lang?”
Napaangat siya ng tingin at nakitang nakatitig sa kanya si Lance.
“Ah, oo. Pero… paano mo naman gagamutin ang pilay ko?”
Kinuha nito ang isang rolyo ng benda na nasa first-aid kit. “I know what to do.” Iyon lang at lumuhod na ito sa harap niya.
Muntik nang mahila ni Marissa ang paa nang hawakan iyon ng lalaki. There was a sudden jolt of electricity rushing from the tip of her toe up to her thighs when he touched her.
“Ang sensitive mo naman. Paa pa lang ang hinawakan ko.” Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Lance. “I wonder how you’d feel if my hands would travel higher…” He moved his fingers to her leg.
Nanigas si Marissa sa kinauupuan. “A-ano’ng ginagawa mo?”
“You look tensed. Is that my effect on you?”
Napalunok siya. “H-hindi!”
Itinaas pa ng lalaki ang kamay sa likod ng kanyang tuhod. “Really?”
Nahigit niya ang hininga. Nagdulot ng kakaibang kiliti sa kanyang katawan ang mainit nitong palad. She was curious how it felt if his hands travelled higher to her thighs and then to her…
Fuck! She shouldn’t think that way. But it was too late. Kailangan niyang makawala sa kapangyarihan ni Lance bago pa siya tuluyang mabaliw.
“A-ako na lang ang gagawa.” Hinila niya ang paa, pero mahigpit ang pagkakahawak doon ng lalaki.
“You love it, don’t you? My hands caressing your legs… I bet you’re imagining my mouth worshipping your body, making you feel so good. And then maybe… here in this house… you will give in.”
Lahat ng sinabi ni Lance ay naglaro sa kanyang isip. Would she want that? Ang paligayahin siya nito? Ang sambahin ang katawan niya?
Nag-init ang mukha ni Marissa, pati na ang kaibuturan ng kanyang pagkababae. Paanong nagagawa iyon ni Lance sa kanya? Hindi naman siya ang tipo ng babae na nag-iisip ng makamundong kaligayahan. Pero bakit ganoon na lang ang reaksiyon niya sa bawat pagdampi ng kamay ng binata sa kanyang balat? Bakit ipinipinta ng isip niya ang bawat eksenang nais niyong pagsaluhan nila ni Lance?
Marissa! Maghunusdili ka!
Pinilit niyang iwaksi sa isip ang masamang hanging naglalaro kanya. “B-bilisan mo na lang ang paggamot mo sa paa ko.”
“Affected ka nga.”
“Hindi nga ako affected.”
“Then why are you blushing?”
She looked away and touched her face. Mainit nga ang pisngi niya. Pero wala siyang balak na sumuko. “Mainit kaya namumula ang mga pisngi ko.”
Tumawa lang si Lance. Ibinaba nito ang kamay sa kanyang paa. “Bendahan na natin `to bago pa mamaga.” Kinuha nito ang isang rolyo ng elastic bandage at saka nagsimulang ipulupot iyon sa nasaktan niyang paa. Mukhang tama naman ang ginagawa nito. She wondered who taught him.
“Saan mo natutunang gawin `yan?” tanong niya rito.
“I used to get a lot of this when I was younger. Hindi pa kasi ako athletic noon. Kaunting galaw lang, nasusugatan at napipilay na ako. At tuwing nangyayari iyon, may isang taong alam na alam kung paano ako tutulungan.”
Walang ibang naiisip si Marissa kundi si Vince ang tinutukoy ni Lance. Of course, kambal ang mga ito. Laging magkasama. At dahil gusto ni Vince ang pagdodoktor, no wonder din kung bakit alam nitong mag-first aid.
“Malamang, sobrang close ninyo dati?”
“Nino?”
“Ni Vince. Siya lang ang naiisip kong puwedeng gumamot sa mga sugat mo noong bata pa kayo.”
“You’re sharp. Tama, si Vince nga. Pero dati pa `yon. Noong nagdesisyon siyang umalis at iwan ako, parang naputol na rin ang pagiging magkapatid namin.” Tumayo na si Lance dahil tapos na nitong lagyan ng benda ang paa niya.
Gusto pa sana niyang magtanong pero agad na nitong isinara ang first-aid kit at naglakad papasok sa bahay.
Siguro sa susunod na lang siya magtatanong. Bumakas kasi sa mukha ni Lance ang inis nang banggitin niya si Vince. Hindi tuloy niya napigilang malungkot. Namatay na lang si Vince na may ganoong hidwaan sa pagitan ng magkapatid. Sana man lang ay naayos iyon bago pa ang aksidente. Ngayon tuloy, mas naiintindihan na niya kung bakit ganoon na lang kung mainis sa kanya si Lance. She reminded him of his brother.
Nang lumabas si Lance ay may bitbit itong mga papeles. Kasunod nito ang isang may-edad na babae. Sa tantiya niya, nasa sesenta na ang babae.
“I’m meeting a client today. Naghihintay na siya sa may cattle area ng farm. Sasamahan ka naman ni Manang Petra sa garden para makita mo ang tanim naming daisies.”
Napatingin si Marissa sa matanda na malapad ang ngiti sa kanya, pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Lance. “Akala ko, ikaw ang magto-tour sa akin sa farm?”
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ng lalaki. “And why would I?”
“Dahil iyon ang sabi ni Mama Betty.”
Lance stepped closer to her until only a few inches away held between them. She could now smell his manly scent. Tinitigan siya nito sa mga mata. “Or do you really just want to spend time with me?”
Agad siyang umatras palayo. Mahirap na, baka kung ano na naman ang pumasok sa isip niya dahil sa proximity nila. “H-hindi na. Happy na ako kay Manang Petra. Puntahan mo na ang kliyente mo.” Binalingan niya ang matandang babae. “Tara na ho, Manang. Nasa’n na po ang garden?”
“Katrina…” tawag sa kanya ni Lance nang tatalikod na sana siya.
“Ano `yon?”
“Don’t strain your foot. Wala ako sa tabi mo para buhatin ka.”
SAMPUNG beses na mas malawak ang garden ng daisies kaysa sa garden sa mansiyon ni Ma’am Betty. At ang buong garden na nakikita ngayon ni Marissa ay puno ng magaganda at sariwang daisies na isinu-supply sa iba’t ibang flower shops sa buong bansa.
“Matagal na po ba ang farm na ito ng mga Santiago?” tanong niya kay Manang Petra.
“Ah, opo, Ma’am, matagal na po. Bata pa lang po ako ay nandito na ang mga magulang ko, nagsisilbi sa mga Santiago. Mabuti na lang at naalagaang mabuti ni Sir Alejandro ang negosyo at ipinagpapatuloy naman ito ngayon ni Sir Lance. Naku, Ma’am, ang daming isinakripisyo ni Sir Lance para lang mapanatili at lumago pa ang negosyong ito ng pamilya nila.”
Kunot ang noo na sinulyapan ni Marissa ang babae. “Ano hong sakripisyo?”
“Alam n’yo naman na po siguro iyon. Asawa kayo ni Sir Vince kaya siguradong alam n’yo.”
Ang totoo, hindi talaga niya alam ang tinutukoy ni Manang Petra. Kaya lalong tumindi ang kagustuhan niyang malaman ang lahat.
“Ah, oo nga pala. Nagpapasalamat nga si Vince dahil sa mga isinakripsyo ng kambal niya. Kung hindi dahil kay Lance, hindi lalago nang ganito ang negosyo ng pamilya.” Ginamit ni Marissa ang mga dati na niyang alam para makakuha pa ng karagdagang impormasyon.
Sunod-sunod naman ang tango ng matanda. “Tama po kayo. Naalala ko kung gaano kagaling na pianista `yang si Sir Lance. Naku, puwedeng-puwede talagang maging sikat kahit pa sa ibang bansa. Kaso nga lang, dahil nauna nang pinili ni Sir Vince ang pagdodoktor, wala nang nagawa si Sir Lance kundi saluhin lahat ng negosyo ng pamilya. Sayang. Gusto pa naman noon ni Sir Lance na maging isang kilalang piyanista.”
Ahhh… Kaya pala ganoon na lang ang galit ni Lance sa kakambal nito. Hindi nito nakamit ang pangarap dahil naiwan dito ang responsibilidad sa pagpapatakbo ng negosyo. At ngayong nandito siya bilang si Katrina, iniisip nitong makikinabang siya sa perang hindi niya pinaghirapan o ni Vince man.
Ilang minuto pang naglibot-libot si Marissa sa garden nang medyo mangalay ang nasaktan niyang paa. Kaya naman naisipan niyang bumalik na lang sa farmhouse. Mabuti na lang at naroon ang motorsiklong may sidecar na siyang naghatid sa kanila sa garden. Iyon din kasi ang magbabalik sa kanila sa farmhouse. Hindi na niya kailangang maglakad at pahirapan pa ang mga paa.
Malapit na sila sa farmhouse nang mapadaan siya sa may gate ng farm. Isang lalaki ang nakita niyang naglalakad papunta sa isang puting kotse. Hindi niya nakikita ang mukha ng lalaki pero ang likod ay para bang napakapamilyar sa kanya. Para bang kilala niya iyon.
“Ayos lang kayo, Ma’am Katrina?”
Napalingon si Marissa kay Manang Petra. “Ho? Ah, okay lang po.”
“`Yong lalaki po ba? Iyon po ang kliyente ni Sir. May bibilhin daw yatang mga baka sa farm.”
Napatango na lang siya at itinuon ang atensiyon sa bahay na nasa harap niya. Malamang, nasa loob na si Lance. Tapos na kasi ang meeting nito sa kliyenteng kaaalis lang.
Maingat siyang naglakad papasok sa bahay. The house wasn’t that big. May maliit na sala sa kanan. Sa bandang kaliwa naman ay kusina. Isang parang kuwarto na may puting kurtinang nakatabing ang umagaw sa atensiyon niya. Hindi kaya nandoon si Lance?
Dahan-dahang tinungo ni Marissa ang pinto ng kuwarto. Nang hawiin niya ang kurtina ay tumambad sa kanya ang natutulog na si Lance. Nakasandal ito sa isang reclining chair at nakapikit.
Malalaki ang bintana ng kuwartong iyon. Tanaw na tanaw pa nga niya mula roon ang asul na dagat. Isa iyon sa mga gusto niya sa farm. Ang malaking bahagi ng farm ay taniman at pastulan ng hayop, samantalang ang kabila naman ay halos dagat na.
Medyo luma na ang estilo ng kuwarto. Bukod sa reclining chair na hinihigaan ni Lance ay may four-poster bed pa roon at lumang aparador. Mayroon ding malaking salamin. At sa salaming iyon ay kitang-kita niya ang natutulog na si Lance.
Napagod siguro.
Lalabas na sana siya para hayaang makapagpahinga ang lalaki nang mapadako ang tingin niya sa payapang mukha nito.
God! Ang guwapo talaga ng kumag na ito. And when he sleeps like that, parang napakabait. Ibang-iba na kapag binubuksan na nito ang bibig.
Pero saka na lang niya iisipin ang ugali nito kapag gising na. Sapat na sa kanya ang maamo nitong mukha habang natutulog. Makapal ang pilikmata nito, matangos ang ilong, manipis ang mga labi. Papasa na itong model sa isang magazine ng kaguwapuhan.
Ngayon, alam na ni Marissa ang rason kung bakit ganoon na lang ang inis nito sa kapatid. At ang inis na iyon din ang rason kung bakit ayaw nito sa kanya. She reminded him of his brother who left him.
Pero aminin. Kanina, mabait na ito sa kanya. He carried her to the car and put a bandage to her sprain.
Sana lang, magtuloy-tuloy na ang mas mabait nitong pakikitungo sa kanya. Naiilang din siya sa hint ng pang-aakit nito. Minsan kasi, naaapektuhan na siya. At iyon ang ikinatatakot niya. Ayaw niyang makita nito ang kahinaan niya. He would surely use it against her.
Huminga siya nang malalim at saka nagdesisyong lumabas na.
Isa na lang.
One last chance na matitigan man lang niya si Lance bago lumabas ng kuwarto. Kinuha niya ang kumot sa kama bago iyon ipinatong sa dibdib ng binata. Medyo malamig sa farm kaya siguradong makakapagbigay iyon ng kahit kaunting comfort dito.
`Pakabait ka pa, please.
She stared at his face once more before turning her back and headed for the door. She was about to step out of the room when she felt a hand hold her arm. Napalingon siya. Nakita niya si Lance na nakatitig sa kanya. There was tenderness in his gaze na muling nagpabilis ng tibok ng puso niya.
Hindi ito nagsalita. He was just staring at her. Babawiin na sana niya ang braso, pero humigpit ang pagkakahawak nito roon.
“Lance, I—”
Hindi na niya natapos ang sinasabi dahil hinila na siya nito papunta sa upuan. Napatili siya nang mapaupo sa kandungan nito. Hindi niya maalis ang tingin sa binata dahil maging ito ay nakatitig pa rin sa kanya. Pansin na pansin din niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito. Their bodies were so close. Napakalapit din ng mga mukha nila sa isa’t isa na halos amoy na amoy na niya ang hininga nito. Pakiramdam niya ay malalasing na siya dahil sa posisyon nila.
Nahigit niya ang hininga nang magsimula nang lumapit ang mga labi nito sa mga labi niya.
Shocks! Ano ang gagawin niya? Natotorete na siya. Gusto niyang umiwas, pero ayaw sumunod ng katawan niya. Parang interesado iyong matikman din ang mga labi ng lalaki.
Malapit na malapit na ang mga labi ni Lance sa mga labi niya…
“Ma’am Katrina? Sir Lance?”
Biglang napatayo si Marissa nang marinig ang boses ni Manang Petra mula sa labas ng bahay.
Shit! Muntik na! Kung hindi pa dumating si Manang Petra, baka natuloy na ang halikan nila ni Lance!
What the fuck was she doing?
Paano kung nakita sila sa ganoong posisyon? Ano na lang ang iisipin ni Manang Petra? Baka makarating pa kay Ma’am Betty. Maeeskandalo pa sila.
“I… I have to go.” Akmang lalabas na si Marissa nang muli siyang hilahin ni Lance. Sa lakas ng pagkakahila sa kanya ay napaharap siya rito. Sa pagkabigla niya, kinabig siya nito sa batok. At bago pa man siya makapagprotesta ay sinakop na nito ang kanyang mga labi.
His lips felt so hot on hers. Firm yet soft and gentle. Tumigil sa pagtibok ang puso niya, pero para lang din pala muling kumabog nang sobrang lakas.
WTF! They were actually kissing!
Inipon ni Marissa ang buong lakas upang itulak si Lance. Pero ayaw siya nitong pakawalan. Pero nagwagi rin siya sa huli. Nagawa niya itong itulak.
“B-bakit mo ginawa `yon?”
“Dahil gusto ko.” Lance stepped closer to her and tried to kiss her again.
Lumipad ang kamay niya sa pisngi nito. Pero bigla rin siyang natigilan. Shit! Bakit niya ginawa iyon?
Pero hindi siya nagsisisi. Dapat lang iyon. “D-don’t you dare do that again, kung hindi—”
“Kung hindi, ano? Sasampalin mo ako ulit?”
“I-isusumbong kita kay Mama Betty.”
“Sir Lance? Ma’am Katrina?” Tinig uli iyon ni Manang Petra.
“Tumigil ka na, Lance! Nasa labas lang si Manang.”
“I don’t care. I’ll get what I want. And for now, it’s you that I want, Katrina.”
Ano raw?!