KUMUSTA ang pagbisita mo sa farm, Katrina?”

Napasulyap si Marissa kay Lance. Nakataas ang isang sulok ng mga labi nito habang hinihintay ang sagot niya sa tanong ni Ma’am Betty. Nasa hapag sila at kumakain ng hapunan. Pakiramdam niya, mabubulunan siya sa hirap ng tanong ng ginang. Ang dalawang highlight kasi ng pagbisita niya sa farm ay parehong hindi kaaya-aya.

Ang kiss, hindi kaaya-aya?

“Katrina?”

Napaangat ng tingin si Marissa at tumingin kay Ma’am Betty. “H-ho?”

“May dinaramdam ka ba? Parang wala ka sa sarili mo.” Mababakas ang pag-aalala sa mukha ng ginang.

“Kanina kasi, `Ma, may humalik sa kanya.”

Nahigit ni Marissa ang hininga. Nang makabawi ay pinandilatan niya si Lance.

“Anong halik? Sino ang humalik sa kanya?” Nasa mukha ni Ma’am Betty ang pagkalito.

Ugh! Nakakainis na talaga si Lance. “Uhm… K-kasi po—”

“Halik ng ahas, `Ma,” putol ni Lance sa sasabihin niya. “Kanina kasi, nakakita siya ng ahas sa farm. Malapit na malapit lang sa kanya, kaya medyo tulala pa `yang sister-in-law ko.”

Nanlaki ang mga mata ng ginang. “Ahas?!” Bumaling ito sa kanya. “Ayos ka lang ba? My goodness, anong ahas ba iyon?”

“Cobra po,” sagot ni Marissa.

“Naku! Mabuti naman, hindi ka napa’no.” Nilingon ni Ma’am Betty ang anak. “Ano ba, Lance? `Di ba  ibinilin ko sa `yong alagaan mo si Katrina? Una, may pilay siya. Pangalawa, muntik na pala siyang makagat ng ahas.”

Lance glanced at her. “I did everything para maging maayos ang pagpunta namin doon, `Ma. Medyo clumsy lang talaga si Katrina.”

At ako pa talaga ang clumsy? Kung hindi siya nito hinalikan, hindi siya mapupunta sa lugar na iyon at lalapitan ng ahas.

Pero paano ba niya iyon ipapaliwanag kay Ma’am Betty nang hindi siya magmumukhang timang?

“Ayos lang po ako. Huwag na po kayong mag-alala,” sabi na lang niya. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan. Baka kung ano pa ang mabuksang topic.

Nang matapos ang hapunan ay inasikaso muna ni Marissa si Ma’am Betty para masigurong maayos ang pakiramdam nito bago matulog. She was doing that every night as if it was her routine.

Bumalik din siya sa kuwarto niya nang makatulog na ang ginang. Gusto na rin sana niyang matulog dahil nga naging mahaba ang araw niya. Pero kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Nagre-replay kasi sa isip niya ang halik ni Lance.

Napatingin siya sa nakasabit na relo sa kanyang silid. Mag-aalas-onse na pala. Mukhang kailangan niya ng makakapagpatulog sa kanya. Kaya naman nagdesisyon siyang bumaba para makainom ng gatas.

Medyo madilim sa kusina pero wala siyang balak na buksan ang ilaw. Sapat na sa kanya ang dim lights mula sa dining area.

Pagkatapos magpakulo ng tubig sa heater ay nagsalin siya niyon sa isang tasa. Muntik na niyang matapunan ang sarili ng mainit na tubig nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran.

Fuck!

Hindi na niya kailangang hulaan kung sino iyon. Bango pa lang ng katawan ng lalaki ay kilala na niya.

“Lance!”

Ibinaba niya ang hawak na tasa at akmang sasawayin ang lalaki, pero agad siya nitong hinila at isinandal sa refrigerator. Ramdam niya ang malamig na metal sa kanyang likod. Pero kung gaano kalamig iyon ay ganoon din kainit ng hininga ni Lance na pumapaypay sa kanyang mukha. Nakadukwang ang binata at gahibla na lang ang layo sa kanya. He was looking at her intently.

“Hindi ka rin makatulog?” bulong nito.

Napalunok si Marissa. Natatakot kasi siya na kaunting galaw lang ay magdidikit nang muli ang kanilang mga labi.

“K-kaya nga ako magtitimpla ng gatas ay para makatulog.” Iiwas na sana siya sa lalaki, pero mabilis nitong iniharang ang mga braso sa magkabilang gilid niya.

“How about a good exercise for our bodies? I know a good one. Makakatulog ka after, pero masasarapan ka naman in the process.”

Nanlaki ang mga mata ni Marissa sa sinabi nito. Hindi siya tanga para hindi ma-gets kung ano ang tinutukoy nito. Madali sana para sa kanya na sawayin ito, kung hindi lang nagsisimulang maglaro sa isip niya ang tagpo na tinutukoy nito—him and her both naked on the bed. Bodies connected, sweats, juices, and all.

Damn it!

“D-don’t do this, Lance.  Let me go.”

“You know what I want, love,” bulong nito sa kanyang tainga.

Pakiramdam ni Marissa ay nagsitayuan ang mga balahibo niya sa batok nang maramdaman ang mainit nitong hininga. “Lance, sister-in-law mo ako.”

“I know. And guess what? I don’t care. I still want you.”

“Don’t call me that. Stop this nonsense.”

Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. “If I don’t, you will tell Mama Betty?”

“Huwag mo akong hamunin.”

“Feisty. I like that about you. Pero wala ka nang magagawa pa, Katrina. You’re mine.” Iyon lang at siniil na siya ng halik sa mga labi. Mas mainit kaysa kanina sa farm. Mas marubdob.

Pinilit ni Marissa na itikom ang bibig at itulak ang lalaki, pero malakas ito. He was pinning her against the door of the fridge, making her unable to move. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa kanyang ulo, pinipigilan siyang gumalaw para maangkin ang kanyang mga labi.

Nang hindi na siya makapiglas ay naramdaman niyang naging banayad ang halik nito. He was teasing her closed lips with his playful tongue, asking for entrance. She decided not to allow him. But he tricked her by placing his hand on her left breast. Napaungol siya nang masahehin nito ang kanyang dibdib. Wala pang lalaking gumawa ng ganoon sa kanya. The feeling was new pero hindi niya masasabing masama. Deep inside her, may sumisigaw na isa iyong masarap na sensasyon. That she should let him do it. But she knew better.

Pero bago pa siya makatutol ay nilaro nito ang nipples niya habang suot ang kanyang nighties.

Fuck! “Lance, do—hmpf!”

Finally, his tongue got its way inside her mouth and played with her tongue. He was tasting and licking every part of her mouth as if she was a delicious fruit.

Nagsisimula nang gumuho ang kanyang depensa. Gusto na niyang tugunin ang halik nito. Her hands went up to his nape and carefully touched his hair. Her head cocked to the side as the sensations got the best of her. Kaunti na lang, bibigay na talaga siya…

Click! Click! Click!

Natigilan si Marissa sa tunog ng bumukas na ilaw. Tumigil din si Lance sa ginagawa at bahagyang umatras. Doon niya nakita ang hawak nitong cell phone! At ang picture nilang dalawa na magkahinang ang mga labi! And what scared her more was seeing herself on the cell phone with eyes closed. Mukha siyang nasasarapan sa halik!

“Burahin mo `yan, Lance!”

“I told you, I’ll do everything to make you mine.”

“A-ano’ng gagawin mo diyan?”

“I’ll show this to Mama, perhaps?”

Napasinghap si Marissa. “Don’t you dare!”

“Oh, I will, love. Kaya alam mo na ang dapat gawin. Come to me.”

Umiling siya. “No. Please, Lance. Huwag mong gawin `to.”

“Kasalanan mo rin ito, Katrina. You’re too sweet. Inaalagaan mo si Mama. You make her happy. You make everyone love you.”

“Kasalanan ba `yon? Ang maging mabuti sa iba? Ang maging mabait at mapag-alaga sa mama mo?”

“Oo. Dahil ginugulo mo ang isip ko!”

Napakagat siya ng labi. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang mga sinasabi nito.

“Alam mo bang mahirap ka ring kasama? Because when I look at you—” Inilapit ni Lance ang mukha sa kanyang mukha, “—all I see is your seductive eyes and sexy body. Bato lang ang hindi naaapektuhan sa presensiya mo, Katrina.”

Ganoon ba talaga ang epekto niya kay Lance? Naging seductive ba talaga siya rito? “I’m sorry kung `yan ang pakiramdam mo. Pero hindi ko sinasadya. Please, delete our photo.”

Muling lumapit sa kanya si Lance at kinintalan siya ng halik sa mga labi. “No, love. I can’t. Not until you say ‘yes’ to everything I want.”

Written by

Ysa Lee

Ysa Lee